Chapter Forty Three: Christmas

116 6 0
                                    

                           Aya's POV

"Ate, ano bang magandang iregalo?"

(sigh)

Kanina pa ako kinukulit ng kapatid ko kung ano ba ang maganda ipang-regalo, eh jusko, bakit ba kailangan mo pang mag-regalo tuwing pasko??

Birthday ba nila??

Yung totoo??

"Ewan."

Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Wala ka bang reregaluhan??"

"Wala."

"Bakit naman?"

"Wala ka ng pake dun."

"Ehh sige na!!"

"Bahala ka sa buhay mo."

Umalis na ako dun sa kwarto.

Haaay, gusto niyo bang mag-kwento ako kung ano ang nangyari pag-tapos ng Christmas Party namin??

Sige, isusummarize ko na lang para sa inyo.

After nun, wala namang ganung nangyari. Normal parin naman yung mga dumaan na araw eh. Kaso nga lang nung nag-kita kami ni Tristan kinabukasan, parang may nag-iba. Ewan ko kung ano, pero parang may nag-iba talaga eh, pero wala na akong pake dun.

Gusto niyo bang malaman kung ano ang ineregalo ko sa nabunot ko??

Couple Necklace yun, yung isa may pendant na heart tapos yung isa ang pendant is susi. Pag wala yung susi, hindi mabubuksan yung pendant na heart. Yun yung sabi sakin nung pinag-bilhan ko eh, tapos may magic word daw sa loob.

Pero ang binigay ko is yung may pendant na key lang, tapos yung necklace na may pendant na heart iniwan ko sa isang fast food na kinainan ko. Bahala ko na kung sino makakuha nun.

"Ayaaaaaa!!"

Nagulat ako ng may biglang tumawag sakin, nasa labas na kasi ako eh. Oo nasa labas na ako, ewan ko kung paano ako napunta dito, basta nandito ako sa labas.

Nilingon ko kung sino yung tumawag sakin at nakita ko si Sam and Desiree.

"Bakit??"

Hindi muna sila nag-salita, kasi hingal na hingal sila eh. Tumakbo daw ba kasi eh.

"Sama ka samin?"

Pagtatanong sakin ni Sam.

"Saan naman?"

"Sa MALL!!"

Excited na sagot ni Desiree.

"Sige."

"Yeeeeey!!"

"Tara na!!"

Sumama na lang ako sa kanila, kasi wala din naman akong gagawin sa bahay eh, tsaka kukulitin lang ako ng kapatid ko.

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now