Chapter Three: She's My Girlfriend

386 17 8
                                    

Aya's POV

Ayos din yung lalakeng yun ah. Akala niya matatakot niya ako dahil lang sa madami siyang fans?? Tapos iniwan pa niya ako dito mag-isa sa cafeteria tss.

Lumabas na rin ako ng cafeteria at nag-simula na rin akong mag-lakad pabalik sa building, baka mamaya pumasok na yung susunod na teacher.

Umupo na ako sa upuan ko at nakita ko naman na naka-ngisi si unggoy. Bwisit talaga tong lalaking toh eh.

Saktong pagka-upo ko pumasok na yung next subject teacher namin.

"Good Morning class, I'm Ms. Lanie Castro your teacher on Araling Panlipunan."

Ang taray naman, Values kanina tapos kasunod AP?? Gusto yata ng school na toh na mabaliw yung mga students dito eh.

Bago siya mag-start ng lesson may six na students ang biglang pumasok sa room. 4 girls and 2 boys.

"Good Morning po ^_^"

Sabay sabay nilang bati kay Ms. Castro

"Good morning. So dahil late kayong anim, kayo na ang mag-simula. Kindly introduce yourself."

Unang pumunta sa gitna yung isang lalaki na matangkad na medyo singkit at maputi. Tapos medyo iba yung tenga niya eh, hindi ko alam kung paano siya naiba pero iba talaga eh.  (Park Chanyeol)

"Good Morning I'm John Nhel Lopez, 16 years old."

Sumunod naman yung isa pang lalaki na makalaglag panga ang kagwapuhan. Grabe tao ba ito?? Mas maliit siya compare dun sa naunang lalaki pero, mas matangkad parin siya sakin. Maputi din siya at medyo chinito din siya. Meron din siyang black na hikaw, yung mga usong hikaw ganun. (Suho)

"Good morning I'm Tom Joshua Marquez, 16 years old. ^_^"

Emeghed, ang cute niya pag nakangiti.

"Stop drooling over my friend."

Nag-salita na naman ang unggoy. Drooling daw, drooling niya mukha niya palibhasa inggit siya eh.

Sumunod naman yung isang babae na maliit. Actually hindi siya sobrang maliit, slim lang kasi siya eh kaya kung titignan mo parang ang liit niya. Pero maganda siya ah. Baby face pa. (Sandara Park)

"Hello ^___^ I'm Mary Louisse Carreon, 16 years old."

Sumunod na yung babaeng mahaba ang buhok, maputi at maliit ang mukha. Maganda din siya at baby face din katulad nung Louisse. (Chorong)

"Good Morning, Queency Calderon is my name. I'm 16 years old."

Sumunod yung isa pang babae na maputi at mukhang angel kapag ngumiti. (Yoona)

"Hello I'm Janna Lacson, 16 years old."

Napa-tingin ako kay unggoy ng marinig ko yung apelyido ni Janna. Lacson?? Pareho sila??

"Kapatid ko yan."

Edi siya na mind reader, akala mo naman gwapo. Mukhang unggoy.

Sumunod yung isang babae na mukhang mataray at maarte, pero kung titignan mo siya hindi naman siya mukhang mataray. Mahaba din yung buhok niya at straight na straight pero hindi siya rebonded ah. (Krystal Jung)

"Hello, I'm Camila Marie Sosito, 15 years old :)"

Infairness ah kapag ngumiti siya mukha siyang mabait, pero malay naman natin mabait siya diba?? Pero may pagka-bitch kasi talaga yubg itsura niya eh.

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now