Chapter Twenty One: Jerkey

144 9 1
                                    

                         Aya's POV

Waaaaah!!

Ano ba yan!!

Ano ba kasi ang pumasok sa maliit ngunit maganda kong utak bakit nagpahatid ako kay Tristan dito samin!!

Paano naman yung mga gamit ko na naiwan sa Camp Site?

Paano yung binayad ko??

Irerefund ba nila yun??

Waaaaaaaaaah!!

Tawagan ko na nga lang si Tristan baka bumalik siya dun.

*Kriiing...Kriiing...Kriiing*

"Hello bakit ka napatawag?"

"Eh yung gamit ko kasi naiwan sa Camp Site eh."

"Okay, hatid ko na lang diyan sainyo."

Mind reader ba siya?

"Hindi ako mind reader."

Narinig ko siya pa na nag-smirk siya.

Kung hindi siya mind reader paano niya nalaman na gusto kong ipahatid sa kanya yung mga gamit ko dito samin?

"Siguro nagtataka ka kung paano ko nalaman na gusto mong ihatid ko yung mga gamit mo diyan sainyo? Simple lang, bakit mo ba sasabihin sakin na naiwan mo yung mga gamit mo dito? Syempre ipapahatid mo yun, tama ba?"

Ang creepy naman ng lalaking ito.

"Naka-katol ka?"

"Hahaha hindi ah. Sige na baba ko na ito ligpitin ko pa yung mga gamit mo tapos magpapaalam na din ako sa mga teachers dito. Bye."

*toot...toot...toot*

Binaba niya na yung phone.

Haaay, ang boring naman dito sa bahay, wala sila mama, papa at kuya.

Napatitig ako sa salamin, tinignan kong maigi yung babae dun, at napangiti akk bigla.

Simple lang siya, hindi siya maganda at hindi siya panget. Hindi rin naman siya mapayat, hindi rin naman siya mataba. Medyo maputi siya at naka-ngiti siya sakin. Pero kung tititigan mong maigi makikita mo sa mga mata niya na malungkot siya.

Nag-sawa na akong tumingin sa salamin at titigan ang pinaka magandang ako.

Inikot-ikot ko yung paningin ko sa kwarto ko.

Nakita ko yung teddy bear na bigay sakin ni Tristan nung first date DAW namin.

Kinuha ko yung teddy bear.

Wala pa pala siyang pangalan. Ano kaya magandang ipangalan dito??

Hmmm..

Ano bang ugali nung nagbigay sayo??

Instant Girlfriend (REVISING)Onde histórias criam vida. Descubra agora