Chapter Thirty Five: Pinapaasa o Hindi??

135 4 0
                                    

                       Juvie's POV

(sigh)

(sigh)

(sigh)

(sigh)

(sigh)

Napapabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari.

"Inform niyo na lang yung love birds na nauna na kaming bumalik sa Manila ha?"

Ewan ko ba kasi dito kay Camx at Louisse, biglang nag-empake pag alis nung dalawa.

"Osige, pero sigurado ba kayo? Gabi na oh? Bukas na lang para sabay sabay."

Pagsusuggest ko.

"Wag na. Enjoy lang kayo dito. Bye."

Nagmamadaling umalis yung dalawa. Parang mga ewan lang.

                           Aya's POV

Kanina pa kami naghihintay ni Tristan ng jeep pero wala talaga eh.

"Huy, napapagod na ako."

Pagrereklamo ko.

"Bakit ikaw lang ba ang pagod?"

Pag-tatanong niya sakin, na halata mo sa boses niya ang inis. Hindi na lang ulit ako nag-react kasi baka mamaya magalit pa yan ng tuluyan sakin. Eh alam ko naman na kasalanan ko eh.

"Kain tayo."

*Death Glare*

"Sabi ko nga eh maghihintay po tayo ng jeep."

Para talagang ewan tong lalaki na ito, nangaalok na nga ako choosy pa? Pagkain kaya yun, dapat hindi tinatanggihan ang biyaya.

"Tara na!"

Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Tristan.

"Saan tayo pupunta?"

Takang-taka kong pagtatanong sa kanya. Bigla naman kasing magaaya eh wala namang jeep.

"Uuwi na."

"UUWI?? PAANO?"

"Tss. Hinaan mo boses mo. Maglalakad tayo kesa maghintay tayo sa wala."

"MAGLALAKAD?? Ang layo kaya."

"Nagrereklamo ka?"

"Hindi po sir. Tara na!!"

Instant Girlfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon