Chapter Thirty Four: Hang Out with her

126 7 0
                                    

                       Tristan's POV

Kumakain na kami ng breakfast ngayon, pero hindi tulad nung dati na nagkakagulo kami pag kumakain, ngayon halos walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang. Alam niyo ba kung bakit?? Mahabang story, malalaman niyo rin yan.

"Huy, ano bang nangyayari? Bakit ang tahimik?"

Mahinang bulong sakin ni Aya, syempre kaya nga mahina kasi bulong diba may bulong bang malakas? Pag malakas na edi narinig na nila diba??

"Hindi ko alam."

Bulong ko din sa kanya. Nag-patuloy na lang ulit kami kumain.

Nang matapos na kami kumain, niligpit na ng twin sis ko at ni Queency yung pinagkainan namin. Bait talaga nila, pwede na silang mag-katulong hahaha.

"Tol, sama ka ba samin?"

Pagtatanong sakin ni Tom, na halata mong bad trip pa rin dahil sa nangyari kanina.

"Saan kayo pupunta?"

Pagtatanong ko naman sa kanya.

"Dyan lang, maggagala. Papalamig muna."

Sabi na eh, maghahanap lang yan ng pagbubuhusan niya ng sama ng loob niya.

"Ayoko tol. Kaya mo na yan, malaki ka na."

Sabi ko sa kanya, sabay tap sa likod niya.

"Geh. Huy Nhel tara na."

Umalis na yung dalawang unggoy kaya ako na lang ang lalaki dito. Medyo kinilabutan tuloy ako. Kasi diba pag ikaw na lang yung naiiwan mag-isa tapos ang kasama mo opposite sex mo, nakakatakot. Baka mamaya gahasain ako ng mga ito. Ano akala niyo, babae lang nirerape? Kami din kayang mga gwapong lalaki. GWAPO lang ha?

"Oyt, twin bro kamusta naman ang panliligaw natin?"

Pagtatanong sakin nitong kambal ni dora.

"Hindi pa ako nagsisimula. Baka bukas pa."

Sagot ko sa kanya na walang emosyon.

"Wooow!! Ang taray, may schedule kung kailan maguumpisa manligaw!! Ubeeer!!"

Bigla namang singit nitong Queency na ito. Lakas pa ng boses, baka marinig ni Aya, isipin pa niya hindi ako seryoso.

"Hinaan mo boses mo, pag may nakarinig sayo isipin pinaglalaruan ko lang si Aya."

Saway ko kay Queency. Sa tinagal-tagal kong tinago feelings ko nasabi ko na sa kaniya tapos masasayang lang?? Tsk.tsk.tsk.

"Oo na, pero sa lahat ng mga manliligaw na nakilala ko ikaw lang ang may schedule kung kailan ka mag-uumpisa grabe lang talaga."

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now