Chapter Thirty Three: You like it or you like it...

209 8 0
                                    

                          Aya's POV

Waaaaaaaaaah!!

Alam niyo yung feeling na para kang zombie dahil sa lalim ng eye bags mo? At mukha kang naka-shabu dahil sa pulang-pula mong mata??

Ganyan ang itsura ko ngayon!! Dahil hindi ako maka-tulog!! Dahil pilit kong sinasabi sa magandang ako at sa bwisit kong puso na hindi ako inlove kay Tristan!! Never akong maiinlove sa hampaslupang, mukhang lupang amoy lupa na yun!!

"HOOOOOOOOOY!!"

"Ayy putcha!!"

"Hahahahaha :)"

Tignan mo itong mga ito, gugulatin na nga ako, masaya pa sila? Paano na lang pag-inatake ako sa puso? Edi mamamatay ako. Pag namatay ako, magluluksa ang mundo :(

"Bwisit kayo. Tsee."

Nag-lakad na ako palayo or should I say nag-walk out ako. With matching pag-flip pa ng hair at pag-irap. Pero dahil sinuswerte ako ngayon, may magandang sapatos na nakaharang sa harap ko at napatid ako.

Ending??

Ayun subsob ako sa sahig, at sila tawa ng tawa na parang end of the world na!!

"Ahahaha, ano Aya?? Buhay ka pa?? Hahaha"

Bwisit talaga tong si Louisse, kahit kelan. Grrrrrr >.<

"Sabi ko kasi sayo iwan mo eh."

Nagulat na lang kaming lahat ng biglang mag-salita si Tristan, na seryosong seryoso. Kaya lahat kami tahimik.

Dug.Dug.Dug.Dug.Dug

Maliban na lang pala sa puso ko na nagwawala na.

Luamapit pa sakin si Tristan. Siguro narinig niya yung puso ko?? OHMY!!

"Sabi ko kasi iwan mo yang katangahan mo sa bahay niyo, dinala mo pa dito. Hahahahaha."

"HAHAHAHAHAHAHA!!"

At ayan, nagsimula na naman silang mag-tawanan. Aysst. Bwisit talaga itong si Tristan!! Akala ko concern siya, mang-aasar lang pala!! Grrrrrrrr.

"Grabe. Hindi niyo man lang ako tinulungan tumayo."

Inis na inis kong sabi sa kanila, habang inaayos yung damit at itsura ko.

"Thank you ha."

Medyo sarcastic ko pang sabi ko sa kanila.

"YOU'RE WELCOME ^__________^"

Sabay na sabay pa nilang sagot sakin with their very very wide smile.

Pakana lahat to ng pesteng sapatos na ito eh!! Haharang-harang sa dinadaanan ko. Moment na yun eh, biglang nadapa!!

"Hey guys!!"

Tawag samin ni Camx, na galing sa kusina.

"Oh bakit? ^______^"

Pagtatanong ni Tom sa kanya na ang ngiti ay abot hanggang langit.

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now