Chapter Twenty Four: Spying

129 11 0
                                    

                    Louisse's POV



Bakit kaya nasuspend si Aya??

Siguro kagagawan na naman ito ng bruhang si Sheila.

"Hey Tom! Saan ka galing?"

"Sa hospital. Bakit?"

"Gising na ba si Camx?"

"Yes. Pero pagkadating ko dun, tulog na naman kay umuwi na lang ako. Bakit?"

"Wala lang thanks."

Tumakbo na agad ako sa room namin at niligpit ko na yung gamit ko. Nag-paalam na din muna ako sa teacher ko na may pupuntahan lang ako, buti na lang pinayagan ako.

Pupuntahan ko si Camx para ihatid yung balita or tsismis na nasagap ko.

I know she still cares for Aya dahil super close talaga naming tatlo before kundi lang sumingit yung mukhang singit na si Sheila.

Nag-pasundo lang ako sa driver namin.

Pagkadating ko sa hospital, pumunta agad ako sa room ni Camx. Kumatok muna ako, baka sabihin nila Tita at Tito wala akong galang basta-basta lang akong pumapasok.

"Oh ikaw lang pala yan Louisse, pasok ka dito."

"Sige po thank you."

Pag-pasok ko, nakita ko si Camx na gising na gising. Sabi na eh, nagtatago lang toh kay Tom.

"Ma, Pa kain po muna kayo ng lunch niyo, nandito naman si Louisse eh."

Sabi niya sa Papa at Mama niya.

"Ah sige, mag-ingat kayo ha? Pareho pa naman kayong babae."

"Opo!"

Sabay namin na sabi. Tapos umalis na sila tita at tito.

"Kamusta ka naman?"

"Medyo okay na."

"Ahh, bakit sabi sakin ni Tom tulog ka, eh gising na gising ka nga."

"Sssshhh, ano ba wag ka ngang maingay. Bunganga mo talaga."

"Haha, eh bakit nga?"

Bigla siyang umirap sakin, tapos kumuha siya ng apple sa table sa rigjt side niya, sabay kagat dito.

"Obvious naman siguro na ayaw ko siyang kausapin diba?"

Sarcastic niyang sabi sakin.

So ginaya ko siya, umirap din ako sa kanya sabay kuha ng apple at kagat dito.

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now