Chapter Thirty Four Part Two: Ferris Wheel

131 4 0
                                    

                       Tristan's POV

"Punta tayo sa may park!!"

"Hindi ka pa ba pagod?"

"Hindi pa."

"Pahinga muna tayo saglit."

Kanina pa kami paikot-ikot tapos mag-aaya siya pumunta sa park, wala ba talagang kapaguran itong babaeng ito?

"Sige dun na lang tayo sa may food court."

"Food Court?? Don't tell me gutom ka na naman? Aishh.."

Pagrereklamo ko ulit. Wala din ba siyang kabusugan? Ano bang klaseng nilalang ang minahal ko? Kaano-ano ba ito ni Matteo Do??

"Diba ang sabi mo pahinga, edi pahinga tayo dun. Wala naman akong sinabing kakain ulit ako."

Sabagay tama nga naman siya.

"Sige."

Nag-lakad na kami papuntang food court, pero hindi pa kami nakakarating sa food court, nag-aya naman ito bigla sa may Precious Pages.

"Ano naman gagawin mo dun?"

"Bibili ng libro."

"Ano na namang libro? Tungkol sa mga love stories na wala namang katotohanan?"

Medyo naningkit yung mata niya sa sinabi ko. Bakit may mali na naman ba akong sinabi?

"Kung ayaw mo edi wag!! Hindi naman kita pinipilit eh! BA-HA-LA KA SA BU-HAY MO!!"

Okay. Medyo napalakas yung pagkakasabi niya sa "Bahala ka sa buhay mo" kaya ang mga tsismosa at tsismoso ayun, nagtsitsismisan na.

"LQ yata sila."-Tsimosa1

"Oo nga, bakit kaya?"-Tsismosa2

"Bakit kaya sila nag-LQ?"-Tsimosa1

"Baka may ibang babae si boy?"-Tsimosa2

Huy, mga babaeng tsismosa wala akong kabit. Stick to one yata ako.

Instant Girlfriend (REVISING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora