Chapter Four: 1st Day of Trouble

281 16 4
                                    

Aya's POV

Kanina pa ako naka-yuko dito, dahil lahat ng classmates namin magbubulungan tapos biglang titingin sakin. Kapag naman tinignan ko sila iirap sila. Oh diba?? Kaya yumuko na lang ako para hindi ko na makita kung sino yung mga tumitingin sakin.

"Kanina ka pa naka-yuko diyan, may problema ba?"

Pagtatanong sakin ni Tristan. Umiling lang ako pero naka-yuko pa rin ako.

Naramdaman ko naman na umakbay siya sakin kaya bigla akong napa-tingin sa kanya.

"Kailangan lang pala kitang akbayan para hindi ka na yumuko. Dapat kanina mo pa sinabi."

Inirapan ko lang siya at yumuko ulit ako. Pakielam niya ba kung gusto kong yumuko?? Kasalanan naman niya yun eh. Kung hindi ba naman siya sira ulo at ipagsigawan dito sa room na girlfriend niya ako edi sana hindi ako naka-yuko ngayon. Bwisit siya.

"Naka-yuko ka na naman."

Parang batang sabi niya. Pustahan tayo naka-pout ang unggoy?? Akala naman niya bagay sa kanya tss.

"Pakiealam mo ba kung naka-yuko ako?? Tsaka alisin mo yang kamay mo na naka-akbay sakin ah, babaliin ko yan."

Iritado kong sabi sa kanya, pero mahina lang noh?? Baka marinig kami ng teacher at palabasin na naman kami. Tsaka naka-yuko parin ako, hindi ako papatinag sa kanya.

"Sige ka yayakapin kita kapag naka-yuko ka parin."

Pananakot niya sakin, pero hindi naman ako natakot. Akala niya madadaan niya ako sa mga yakap-yakap na yan. Utut niya.

Naramdaman ko na niyakap niya ako pero hindi naman sobrang mahigpit. Pero hindi parin ako tumitingala. Naka-yuko parin ako.

"Alam mo Floriana Belle Papa, hindi ko alam kung gusto mo lang talagang yumuko or gusto mo lang na mayakap kita."

Lakas din talaga ng believe ng lalaki na toh sa sarili niya eh noh?? As if naman gusto kong yakapin niya ako, eh ngayon pa nga lang kami nagkakilala eh.

"Ayaw ko lang talagang timingala dahil ayaw kong makita ang panget mong mukha. At isa pa sa tingin mo gusto ko na naka-yakap ka sakin?? In your wildest dreams unggoy."

Naka-yuko parin ako habang sinasabi ko yun sa kanya.

"Ayaw mo na naka-yakap ako sayo?"

Pagtatanong niya sakin, kaya tumango-tango naman ako.

"Pero hindi ka naman pumapalag eh, kunyari ka pa."

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now