Chapter One: New School

575 19 3
                                    

Aya's POV

"Anak, magpaka-bait ka sa new school mo ha. Wala na kaming maisip na school kung saan ka mag-titino kaya please, umayos ka."

Naku, edi wag niyo akong pag-aralin problema ba yun??

Pero syempre hindi ko yun sinabi baka 1st day of class hindi ako bigyan ng baon noh.

"Opo ma. Magpapakabait na po ako."

Kailangan ko na talagang magpaka-bait, baka hindi na talaga ako makapag-aral.

"Siguraduhin mo lang, puro ka na lang salita."

Hahaha, 3 years ko ng sinasabi na magpapaka-bait ako pero hindi ko magawang magpaka-bait.

"Osya ito na baon mo, mag-ingat ka."

"Opo ma, bye bye."

Umalis na ako at sumakay ng jeep. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi kami poor. Normal lang ang pamumuhay namin.

By the way I'm Floriana Belle Papa, 15 years old, 4th year high school sa Royalties Academy.

Oh diba?? Name pa lang ng school pang-sosyal na diba?? Pero hindi naman kami sosyal. Ang mahal nga ng tuition fee dun eh, kaya hindi ko alam kung paano nabayaran nila mama yung tuition fee ko.

Bumaba na ako ng jeep at nakita ko yung school namin na parang palasyo sa sobrang laki at ganda.

Yung totoo school ba toh or palasyo?? Hindi nababagay ang isang tulad ko dito sa magandang paaralan na ito.

Pag-punta ko sa gate may mga guard, pero yung damit nila is hindi tulad ng damit ng mga normal na guard. Yung damit nila katulad nung mga guard ng mga hari at reyna.

Pinapasok naman agad nila ako, at pag ka-pasok ko *O*

Ang ganda ng school!!

As in super maganda siya at ang lawak lawak pa!!!!

Yung uniform dito is skirt na above the knee tapos white yung blousse na pinatungan ng long sleeves na blazer. Yung blazer is checkered na gray, tapos black yung sleeve. Yung sa lalake naka-pants lang sila pero ganun din yung itsura ng uniform nila.

Nag-punta na ako sa building ng mga 4th year students. Oo may sariling building dito ang bawat year level, sosyal diba??

Pagka-punta ko sa building hinanap ko agad yung 4-A. Oh diba Kahit hindi ako mabait, matalino ako kaya nakasama ako sa class 4-A.

Sa values lang naman ako bagsak eh.

Pagka-pasok ko sa room ang lamig. Siguro punong-puno ng aircon nag room na ito??

Sabagay 4-A nga eh, kaya halos lahat ng students dito ay rich kids.

Nag-hanap na ako ng vacant seat ng biglang mag-salita yung isang babae na parang american na ewan.

"Oh classmates I think we have a transferee."

Maarte niyang sabi at tumingin sakin, kaya lahat ng classmates namin is naka-tingin sakin.

"Hey Ms. Transferee what's your name?"

Tanong sakin nung isang lalaki, na ang mukhang mayabang pero gwapo naman.

Instant Girlfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon