Chapter Thirty One: End of the world??

145 8 1
                                    

                         Aya's POV


Kanina pa toh, si Tristan ang sweet sakin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang bait bait niya sakin ngayong araw.

"Huy may sakit ka ba?"

Pagtatanong ko kay Tristan, sabay hipo sa noo at leeg niya.

"Wala naman."

Tapos tumingin siya sakin ng may pagtataka.

"Alam mo, kumain ka na lang."

At sinandukan niya ko ng mga pagkain.

Kumain lang kaming lahat ng payapa. Ewan ko ba kung bakit nagiging ganito mga tao dito. Bakit ang tahimik ni-isa walang nag-sasalita, walang tumatawa. Ako lang ba walang alam sa mga nangyayari.

"Kami na lang maghuhugas ng pinggan."

Sabi ni Camx, at kinuha na nila ni Louisse yung mga pinagkainan namin.

Dumiretso naman sila sa may kusina, yung iba naman pumunta na sa may sala. Si Tristan lumabas, kaya lumabas na lang din ako. Baka kasi mabaliw na ako sa mga tao sa loob.


                      Louisse's POV


Pag-labas nung dalawa, nag-party agad kami dito sa loob. Paano naman kasi success agad yung una naming plano.

*Flashback*

"Huy sigurado ba kayo diyan?"

Pagtatanong ko sa kanila. Medyo kinakabahan talaga ako sa kanila.

"Oo naman, wag kang mag-alala, damy damay tayo dito."

Ang hyper talaga nitong si Camx, kahit kailan.

"Oo na, tara na!!"

Nag-lakad na kami papunta sa rooftop nitong rest house. Dun kasi namin nakita si Tristan.

"Oh bakit kayo nandito?"

Pagtatanong niya samin.

Nagturu-turuan pa kami, pero bandang dulo si Janna, din ang nag-sabi sa kanya. Bakit? Magkapatid sila, pag nagkabukingan mabilis magpapatawaran.

"Eh si Aya kasi."

Medyo kinakabahan na sabi ni Janna.

"What's with her?"

Tanong ni Tristan sa kanya. Halata mo namang concern siya eh.

Instant Girlfriend (REVISING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang