Chapter Seven: Endearment

220 13 2
                                    

                        Aya's POV

"Hi Aya."

"Hi din Tom."

"Kamusta ka naman?"

"Ito namomroblema parin."

"Hahaha :) Kanino? Kay Tristan?"

Oo Tom.

Kay Tristan nga.

"Hindi ah."

"Eh kanino?"

"Kung kanino galing tong paper bag na toh, na puno ng chocolates."

"Ahh, bakit ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Favorite ko nga mga chocolates eh, pero hindi ko kasi alam kung kanino galing to eh."

"Baka naman kay Tristan?"

"Yung unggoy na impaktong na hampas lupa mong kaibigan bibigyan ako ng chocolates? haha."

Kung kay Tristan nga galing ang mga chocolates na toh??

hmmm.

Itatapon ko na lang. Mamaya nilagyan pa ng lason diba? haha

"Malay mo lang. Ito naman. Pahingi nga."

Binigyan ko si Tom ng Chocolates. Tapos kumuha na rin ako.

Habang kumakain kami may orange note sa loob ng bag.

Kinabahan tuloy ako. Kasi diba yung sa Meteor Garden pag may red note ka galing sa F4 yari ka. So baka ibig sabihin nito may ginawa akong masama sa isang tao tapos nagalit sakin tapos binigyan ako ng mga expired na chocolates tapos may note pa na naglalaman ng death threat.

"Oh ano yan? Orange note?? Bago yan ah!"

Tinignan kong maigi yung orange note. Baka may lason toh sa loob yung pag nasinghot mo patay ka na agad.

"Sa tingin mo ano laman nito?"

"Ewan ko. Try mo basahin noh, para malaman mo?"

Sarcastic na sagot sakin ni Tom.

Pero tama naman si Tom eh.

Bakit ba ayaw gumana ng utak ko?? haaaay.

"Baka death threat laman nito!"

Instant Girlfriend (REVISING)Where stories live. Discover now