Chapter 60 - Protect (December 31, 2019)

19.5K 645 116
                                    

Chapter 60 - Protect

Chapter 60 - Protect

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

November 11, 2005

"Ayaw ko na kuya..." Tinatanggal ni Perci ang nilalagay ng kuya niya sa tenga niya.

"Iibahin ko ang tugtog. Huwag mong tatanggalin. Paborito mo nang kanta ang susunod." Ibinalik ni Odi ang earphones sa tenga ng nakababatang kapatid, sakto sa muling pagsigaw ng mga tao sa labas.

"Putanginang birthday 'yan! Anak ko ba talaga 'yan?" Sigaw ni Armand— ama ni Odyssey at Perci.

Maririnig ang iyak ng ina nila, pero mas nangibabaw ang boses ni Ericka.

"Wala ka talagang kwenta! Birthday ni Odyssey ngayon hindi ka na namimili ng araw. Kahit birthday ng anak mo, ganyan ka!" Sigaw nito.

"Anak? Sabihin mo sa nanay mo ipa-DNA test din muna yang dalawang 'yan!"

"Wala ka talagang kwenta!!!"

"Armand!"

"Ah!"

Pumikit si Odi at inilubog ang ulo sa pagitan ng dalawang unan. Pero bumangon ulit siya para tignan si Perci na patuloy lang sa paglalaro ng tautauhan. Pinagmasdan niya ang kapatid para masigurado na hindi nito tatanggalin ang nakapasak sa tenga para hindi nito marinig kung gaano kagulo sa tahanan nila.

 Pinagmasdan niya ang kapatid para masigurado na hindi nito tatanggalin ang nakapasak sa tenga para hindi nito marinig kung gaano kagulo sa tahanan nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

July 12, 2019

Kagigising lang ni Lee at pababa na sana nang marinig niya ang usapan ni Odyssey at ng ate nito sa baba.

Hindi niya na nga rin alam kung paano niya nagawang matulog kagabi. Nahiya rin kasi siyang magpaliwanag kay Ericka na nakikipag-live in siya kay Odi bilang girlfriend nito at ate kay Perci. Dahil hindi naman siya ang totoong ate. Dumating na mismo ang totoong kapamilya.

Nagpaikot-ikot lang siya sa kama at pinapakiramdaman ang galaw sa labas ng kwarto niya nang papasukin na siya ni Odi para ito na lang ang mag-asikaso sa pagpasok ng mga dala-dala ni Ericka.

Basta ang alam ni Lee, huling tingin niya sa orasan sa dilaw na dingding ng kwarto niya, alas tres y media na.

"Perci is a growing boy. Bakit hinahayaan mo ito Odi? Hindi ba umalis ka nga dati para mabigyan siya ng maayos na environment? Ano itong ginagawa mo?"

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon