Chapter 57 - Flowers (December 28, 2019)

21.1K 735 222
                                    

Chapter 57 - Flowers

Chapter 57 - Flowers

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 26, 2011

"Bakit?!"

Hindi na makatiis si Odyssey na magtanong dahil kanina pa siya tinititigan ni Mizzy.

"Kahapon, ikaw lang may ubo, ngayon nagkasakit na 'yan?" Turo nito kay Lee na nakahiga sa sofa at umiinom ng gamot. "Pinaggagawa niyo na naman ha?

Natawa si Lee. Kahit na kasi nilalagnat, pinili niya pa ring manatili doon dahil wala rin namang tao sa kanila kundi si ate Marie. Umalis na naman kasi ang nanay niya kasama ni Yaya Melay at pauwi pa lang ang tatay niya mamayang gabi.

"Cough is an airborne disease. You didn't need to be kissed para mahawa." Si Odi.

"May sinasabi ba akong nag-kiss kayo!?" Sigaw ni Mizelea bago humalakhak. Of course she knew that. But seeing Odyssey so offended feeds her soul. Madalas niya pa ring inaasar ang mga ito dahil sa wakas, after so many years, nagkatuluyan rin.

Tumayo si Odyssey at dinampi ang likod ng palad sa noo ni Lee.

"You are still hot."

Mizzy resisted the urge to laugh dahil hindi siya nakatingin sa mga ito nang sabihin ito Odyssey. It sounded a little bit different lalo na't paos na din si Odyssey sa kakaubo.

Umiling-iling si Mizzy to get all her malicious thoughts away at saka lumapit din kay Lee.

"Halika na. Iuuwi na kita."

Kaya lang naman nagpunta dito si Mizzy dahil nang marealize ni Lee na may sakit siya, itinawag nito agad kay Yaya Melay at nakarating agad ito sa tatay ni Lee. Inutusan nito ang on-call na driver nila na sunduin si Lee kung nasaan man ito at siyempre, ang sinabi lang naman ni Lee ay sunduin siya in an hour sa bahay nila.

Magaling na bata.

Ilang araw pa lang simula noong maging sila. To Lee's counting, it has been only 10 days but look at them. Acting all cozy and all.

"Sige." She pouted as she looks into Odyssey. "Bye na..."

"Jusko. Jusko. Maghiwalay muna kayo guys. Hindi gagaling mga sakit niyo kung araw-araw kayo magdidikit. Magkakahawahan lang kayo tapos lilipat lang ng lilipat 'yung virus sa inyo na parang trip to Jerusalem."

"Hatid ko na kayo."

"Huwag na. May lagnat lang naman 'to nakakalakad pa."

Nagbigay si Odyssey ng maliit na kaway sa kanilang dalawa bago tuluyang makalabas. Napahigikgik si Mizzy ng tawa.

"Tuluyan nang nahulog sa'yo teh. Hindi pa rin ako makapaniwala. Saan mo nabili ang gayuma?"

"Tara na... Pagod na pagod na 'yung katawan ko sa kakaubo. Parang magkaka-abs na ako. Gusto ko na lang matulog."

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon