Chapter 16 - Pride and Shame (October 08, 2019)

35.3K 861 57
                                    

Chapter 16 - Pride and Shame

Chapter 16 - Pride and Shame

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 15, 2011

"Hwaaag!" Malakas na sigaw ni Lee kay Mizzy.

Nasa loob kasi sila ng banyo at akmang bubuksan ni Mizzy ang shower habang nakahiga ang lulungo-lungong si Odi sa bathtub.

Kung paano sila nakarating dito, hindi nila alam kung paano nila nakaya nang hindi nahuhulog sa hagdan. Silang tatlo lang naman ang umakay sa lalaki.

"Huwag ka diyan? Anong gagawin mo diyan?" Nguso ni Mizzy kay Odyssey na parang tulog na tulog lang.

"Kawawa naman kapag binasa mo."

Mizzy can't help but snort.

"Naaawa ka ngayon?"

"B-bakit ba?"

"Nako-nako-nako Lee! 'Di ka ba kinakabahan na baka dumating sila mommy mo? Baka dumating pa si tito Arthur! Anong gagawin mo kapag naabutan ka nila."

"As if naman m-may ginagawa akong masama!"

"Pero paano mo ie-explain 'to? May pinatuloy kang lasing dito? Ano sa tingin mo ang ichi-chika ni ate Marie?"

"Hindi magchi-chika si ate Marie."

"Napaka-selective naman ng sagot mo. Bakit 'yung huli lang may sagot ka?"

Natatawa na talaga si Mizzy.

"'Di rin kita maintindihan Lee eh. Galit-galit ka, tapos ngayon, welcome na welcome siya bigla? Ang gulo niyong dalawa! Sarap niyong pag-untugin! Nase-stress na ako sa inyo!"

"A-ano bang gagawin ko? Bakit ba kasi siya nagpunta dito ng lasing?"

"Ewan ko sa'yo!" Malakas na sigaw ni Mizzy.

"Tulungan mo na kasi ako! Anong gagawin ko?" Nadadamay sa pagka-panic si Lee.

"Ewan! Aalis na lang kayo ako. Iwan ko na lang kayo. Kung gusto niyo, mag-sex kayo!"

"M-mizelea! Ano ba?!" Lumingon pa si Lee sa pinto at nagaalalang naririnig sila ni ate Marie.

"So sige, anong gagawin natin?"

"K-kaya ko nga tinatanong sa'yo eh."

"Sino bang nagpapasok sa kanya? Ako ba?"

"B-bakit ba nagagalit ka?!"

"Hindi ako galit? Bakit magulang mo ba ako para pagalitan ka? Na-se-stress ako!"

Habang nagpapalitan ng salita ang dalawa, nakarinig na lang sila ng malalakas na katok,

"Lee! Lee!"

Sabay silang napatingin sa pinto. Kinakabahan, lalo na si Lee because she knew that ate Marie isn't fond of poking into someone else' business.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon