Chapter 50 - Respect (December 18, 2019)

26.1K 796 309
                                    

Chapter 50 - Respect

Chapter 50 - Respect

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

October 20, 2009

Perci has been waiting for long in the bathroom queue line dala-dala ang IV stand niya. Dahil nasa public hospital, masyadong marami ang tao at pati ang banyo, hindi pinalagpas.

It has just been a few days since he had his operation and he already felt so much better. Ang totoo, pagkatapos ng sobrang sakit na naramdaman niya na pinanawan na siya ng ulirat, sa tingin niya wala ng mas sasakit pa doon. Kaya kahit may kaunting kirot doon, hindi niya iniinda.

"Hay salamat, ako na." He sighed nang pumasok ang huling taong nakapila sa harap niya. Ihing-ihi na kasi siya at ngayon na lang ulit makaka-ihi ng hindi sa catheter.

Nang makalabas ang dalagitang huling pumasok, abot tenga na sana ang ngiti ni Perci nang may sumingit na isang middle-aged na babae.

"Excuse me ho! May pila ho dito!" Ani Perci pero hindi pa rin nakinig ang babae at tuloy-tuloy pumasok.

"Pucha!" Nag-init ang dugo ni Perci at gustong mag-wala. Tumingin siya sa mga nakapila sa likod niya na nakasimangot na rin.

Kinatok niya ang pintuan ng banyo at binulabog ang nasa loob pero may kumalabit sa likod niya.

It's Lee.

"Hayaan mo na."

"Paanong hayaan ate, ihing-ihi na ako. Nakita mo ba. May sakit kaming lahat na nakapila dito eh siya parang napadaan lang." Halos maiyak na siya sa sama ng loob.

"Hayaan mo, bibili na lang tayo ng arinola. Doon ka na lang iihi."

Nahiya siyang bigla. Perci remembered they weren't really exactly close. Oo, hinahayaan niya itong pumasok-pasok sa bahay nila para makapaglaro siya ng PSP, at kilala ito ng kuya niya, pero hindi niya pa rin ito kapatid. Hindi niya kamag-anak para pag-usapan ang tungkol sa kung saan siya iihi.

Lumabas ang babaeng pumasok at tinignan ito ng masama ni Perci.

"Ano? Ayusin mo 'yang mata mo, baka dukutin ko 'yan. Walang respeto sa matatanda."

"Respeto? Kayo na nga ho sumisingit, kayo pa may ganang magalit!"

"Hayaan mo na kasi Perci, pumasok ka na." Itinulak ni Lee si Perci sa loob ng banyo at isinara ang pinto nang makapasok sila.

"Bakit ka pumasok!?"

"Huwag ka na ngang mahiya. As if naman tuli ka na.." Natatawang sabi ni Lee. At least she has successfully ward him away from the weird lady.

"Tuli na ako!" Anunsyo niya pero lalo pa siyang nahiya. Perci felt his face become hot.

"Eh 'di okay." Hinila ni Lee ang infusion stand.

Perci panics. Bukod sa kuya niya, he has never experienced anyone caring for him. Especially a woman. Ni hindi niya na nga matandaan kung inalagaan ba siya ng nanay nila o kahit ng ate niya dahil masyado pa siyang bata noon.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon