Chapter 37 - Cope (December 01, 2019)

26.4K 817 108
                                    

Chapter 37 - Cope

Chapter 37 - Cope

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

June 03, 2012

"You don't have to witness this..." Aldrin's voice is full of pity.

Nasa labas sila ng bahay nila Lee— dating bahay. Dahil ngayon, unti-unting nililimas ang laman nito, kabilang na ang lahat ng alaala ni Lee doon.

It has been under Foreclosure. At ngayon ang araw ang huling beses na pwede siyang tumapak sa dito before it gets repossessed. Ang grand piano, ang ilang mga mamahalin at antigong mga display sa sala, lahat 'yun unti-unti na ring nilalabas, and Lee, from now on has nothing.

She has no one. The only thing she has now, is her car. The one that her dad gave her during graduation. 'Yon na lang ang tanging hindi mababawi.

"You can live with us..." Aldrin suggested.

"You know I can't."

"Maybe I can arrange a place for you?"

"Let's not talk about this anymore, kuya..."

"Kuya?"

Lee rolled her eyes. Here comes the never-ending conversation again.

"Yes, kuya Aldrin. Can you please give me some space to breathe? I know this car's a favor, so thank you very much. Maybe I can live here for the rest of my life."

"Hindi naman ako papayag 'nun."

"O baka malapit dapat sa nursing home. Tama, malapit dapat doon."

Halos kalahating buwan na mula nang niluwas nila dito ang ina niya mula sa isa pang nursing home sa GenSan, pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung anong gagawin niya.

Lalo na't patuloy na lumalala ang sakit ng nanay niya. But she can't blame her. She even wished that she won't remember what happened for the past months. Kahit siya, gusto niya na lang rin makalimot.

Kaya nang inilalabas na ang king-sized bed na dating ginagamit ng mga magulang niya, she can't take it anymore.

"Let's go?" Tanong ni Aldrin nang mapansin ang pagbagsak ng kalooban niya. Bumuntonghininga ito. He really wanted to repeat his words from earlier— na hindi na dapat ito pumunta dito para makita ang mga bagay na magbibigay lang ng sama ng loob.

"Pwede bang, i-drop mo na lang ako sa Dela Cerna? Tapos umuwi ka na?"

"Lee..."

"I insist. Wala akong gagawing masama sa sarili ko, don't worry. Nandiyan pa si mama... Kaya kung ano mang iniisip mo, wala 'yun. I'm okay."

Hindi na nakipagtalo si Aldrin at sinunod na lang ang kagustuhan nito.

Halos tanghalian na nang makarating si Lee sa nursing home. Hindi pa siya agad hinayaang pumasok dahil hindi lucid, at nasa kalagitnaan ang nanay niya. Kinakausap siya ng directress para sa mga magiging pagbabago sa treatments na ibibigay sa nanay niya. Dumalo din sa kanila si Yaya Melay.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon