Chapter 09 - Put on the spot (July 03, 2019)

39.4K 1K 139
                                    

Chapter 09 - Put on the spot

December 17, 2010, later that night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

December 17, 2010, later that night

He went home very very troubled that day. Even more troubled than last time when they had a row. Naisip ni Odyssey na mas mahirap talaga 'yung may malabong usapan. 'Yung kahit siya naman talaga ang nagasabi that she is bothering him, he didn't realize that he is more bothered that she was uncharacteristically quiet when he gave her the his brother's gift.

He fished the necklace that has been swimming in his pockets since this morning.

"Tsk." He laughed bitterly. Ni hindi niya man lang niya nabilhan ng box o kahit anong pambalot. Paano niya nga naman maibibigay? He is so pathetic.

After being so deep in his thoughts, nagulat siya nang biglang magsalita si Perseus.

"Ano 'yan!"

Dumating na pala ang kapatid niya.

"'Di mo nabigay?!"

"A-ano kas—"

"Eh 'yung akin, nabigay mo?"

"O-oo?" Magpapaliwanag sana si Odi, pero mukhang hindi naman interesado ang kapatid niya. His brother doesn't seem to be so nosy about this matter. He didn't know if this was a good thing because he didn't need to explain why he is wistfully looking at the the gift that he didn't receive. But in truth, Odyssey really wanted to talk about this issue to someone.

"Anong oo? Patanong talaga? Hindi mo sigurado kung nabigay mo kuya?"

"Nabigay ko."

"Ah... Buti naman. Thanks!"

Papasok na sana ng banyo si Perci pero biglang nagsalita si Odyssey.

"Teka, Pers. May itatanong ako."

"Ano 'yun kuya?"

"Uhm... ano..."

"Ano?"

"Ano kasi..."

"Mamaya na kaya kuya, natatae ako."

"Oh sige-sige!" Parang naalibadbaran na ang mukha ni Odyssey hindi pa man nailalabas ni Perci ang masamang hangin. "Bilisan mo na lang!"

Dali-daling pumasok si Perci sa loob ng maliit nilang banyo. Natatawa-tawa siya dahil mukhang alam niya na ang sasabihin ng kapatid.

"Tungkol saan ba?!" Maya-maya'y sigaw ni Perci mula sa loob.

"Wala. Sabi mo mamaya. Tapusin mo muna 'yan..."

"Ano nga?!" Pangungulit ni Perci.

"Buhusan mo 'yang inodoro ah. Palagi ka na lang hindi nagbubuhos ng maayos. Ang laki-laki mo na, 'di mo pa rin ako tinutulungang mag-linis ng bahay."

"Opo. Pero ano na nga 'yung sasabihin mo?"

"Tapos maghugas ka maigi ng kamay."

"Opo, mama." Perseus sarcastically replied. Parang nagiging nanay na naman kasi si Odyssey na parang totoo naman sa sitwasyon nilang dalawa. He really takes care of Perseus like a mother. Pati ang mga pagalit, nanay na nanay na rin. Perci guessed, their predicaments have forced Odyssey to take such maternal role. Even his strength and tenacity in facing difficult situation can be matched that of a mother's— always unfazed at times of adversity. Kaya na rin siguro hindi niya gaanong maipakita ang emosyon niya dahil hinubog siya ng buhay maging ganoon.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon