Chapter 18 - Diffidence (October 13, 2019)

35.2K 995 169
                                    

Chapter 18 - Diffidence

February 16, 2011, later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 16, 2011, later

Magkadikit ang mga balikat nila habang nakaupo sa labas ng guidance office.

Kanina, sinubukan ni Odyssey na hawakan ulit ang kamay niya, pero agad niyang tinabig. How dare he? This is the very reason kung bakit sila pinatawag. Nahuli lang naman silang naghahalikan sa labas ng classroom sa harap ng maraming tao. At kahit pa sabihin niyang mali ang term na "nakikipaghalikan" dahil maging siya ay nagulat sa ginawa ni Odyssey, wala na siyang magagawa dahil mismong teacher ang nakakita sa kanila.

Kasama pa naman sa school handbook ang tungkol sa PDAs. Na pinagbabawalan ang mga estudyante lalo na sa oras ng klase at sa loob ng vicinity ng school na gumawa ng kahit anong PDA. Lalo na't talamak ngayon ang teenage pregnancy at mga batang nagkakaroon ng STDs, hindi ba't binigyan pa nga sila ng leksyon noong isang taon tungkol dito, ilang bwan lang pagtapos ng pasukan. Ito na lang ang effort na kayang gawin ng mga eskuwelahan para sa problemang 'iyon. At kahit hindi naman talaga nila gagawin 'yun, lumabag pa rin sila sa batas.

Kaya pinatawag ang mga magulang ni Lee, habang si Odyssey kanina ay nagpapakahirap na magpaliwanag na wala siyang guardian, dahil siya na lang mismo ang bumubuhay sa kapatid niya. Mas lalo tuloy itong napagalitan ng guidance counselor dahil sa sitwasyon nito sa buhay, wala daw itong karapatan na umasta ng ganoon.

Habang si Yaya Melay naman ang pumunta para kay Lee dahil wala pa rin ang daddy niya at nasa ibang bansa, habang ang mommy niya naman ay bumalik daw sa GenSan pero hindi nila ma-contact.

Sobrang problemado ang guidance office na wala silang makuhang matinong guardian sa kanilang dalawa kaya lalong dinamayan at sinabing baka sila nagkakaganoon dahil wala silang sapat na gabay. Sa huli ay si Yaya Melay na lang ang kausap habang pinaghintay sila sa labas para sa parusa nilang dalawa.

Nang makalabas si Yaya Melay, niyaya silang dalawa na lumabas na at saka binigay sa kanila ang mga memo na suspended sila ng dalawang araw. Ngayon, at kinabukasan.

Natawa na lang si Lee.

Pero napailing na lang Odyssey.

"Anong klaseng parusa 'tong suspension. Lalong wala kaming matututunan." As expected of Odyssey, mas gusto nitong pumasok.

"Halika na Lee. Umuwi na tayo." Pagyaya ni Yaya Melay.

"P-pero..." Alam ni Lee na papagalitan siya ng Yaya Melay kaya nagyayaya na ito. Pero hindi niya na talaga kaya.

Sa huli, siya rin pala 'yung bibigay. Siya pa rin hanggang sa huli.

Hinila niya muna si Odyssey sa kanto sa school, bago niya inilabas lahat ng sama ng loob.

It was actually then that she knew that until the very end, she will still be the one to initiate. Kung may patutunguhan man ang relasyon na ito, it will be because of her. Should that thought make her at least happy? Because at least, there is a glimmer of hope in them. But all she can muster now is a helpless sigh.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon