Chapter 39 - Intersecting Paths (December 03, 2019)

27.8K 848 247
                                    

Chapter 39 - Intersecting Paths

Chapter 39 - Intersecting Paths

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

March 19, 2012

"Natanggap ko na padala mo ma. Basta tandaan mo 'yung graduation, sa 31 pa. Tapos may bacalaureat keme keme kami before 'nun pero 'di naman kayo kailangan doon. Sa 31 lang. Huwag mong kakalimutan ma."

Kausap ni Mizzy ang nanay niya sa telepono habang nagiikot-ikot sa mall matapos niyang makuha ang pera pambayad sa mga gastusin ng isang graduating student na katulad niya.

Gusto niya rin kasing mamili din ng bagong sapatos na pwede na ring gamitin sa college. Sobrang pudpod na kasi nang kanya at napapayag niya naman ang mga magulang na padalan siya para makapag-martsa siya ng may maayos na suot.

Paikot na siya papunta sa department store nang mamataan niya si Odyssey sa isang kainan. He was holding someone else's hands katapat sa mesa.

Mizzy assumed it was Lee because who else could that be? Kakatok na sana siya sa glass wall para kawayan ang love birds, pero nang makalapit, she realized it wasn't Lee.

Agad siyang napatago sa isang poste. But she realized she isn't doing anything wrong, bakit siya ang nagkakaganito.

She decided to call Lee.

"Hello saan ka?"

("Sa bahay bakit?")

"Saan jowa mo?" She probed.

("Ewan, nasa kanila siguro.")

"Ewan?!"

("Bakit ba?")

"Nandito kasi siya eh!"

("Nandiyan pala eh, bakit mo tinatanong sa'kin?")

"Hindi mo man lang tatanungin kung nasaan ako? Nasaan ko siya nakita?"

("Bakit ba kasi?")

Lee's voice remained calm. Because she was. She has always trusted him.

And Mizzy admired her friend so much like that. She's vulnerable, but never insecure.

Kaya mas lalo siyang kinakabahan.

"May kasama siyang babae."

("Ano naman?"

"Sorry Lee. I don't wanna plant doubts in your head."

("Then don't. Sige na, Miz. I'll just go for a swim.")

Mizzy run her hands through her hair.

"Swim swim ka pa!" Although she didn't want Lee and Odyssey's hard-fought relationship to have problems, ayaw niya rin namang magwalang bahala.

Sumilip ulit siya sa sa kainan kung saan naroroon si Odi and he is still holding both of the girl's hands.

Kahit na luma ang telepono niya, unlike Lee's new iphone 4s, it can still take good pictures.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon