Chapter 21 - Caught up (November 09, 2019)

31K 822 73
                                    

Chapter 21 - Caught up

Chapter 21 - Caught up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

November 10, 2008

"Nandiyan na naman."

"Ha?"

Busy si Odyssey sa paghahati ng report nila kaya hindi niya agad naintindihan ang sinasabi ng classmate niyang si Jerico.

"Nandiyan na siya?"

"Sinong siya? Si Lovely? Jek. Maya ka na makipagligawan. Ikaw magreport ng Plate techtonics kung gusto mo nang mauna."

"Ha?!" Angal ni Jerico as he feels unreconciled. Sa layers of the earth, 'yung topic na 'yun ang pinakamarami. "Bakit ako? Pinagsasabi mong Lovely. 'Yung nanliligaw sa'yo 'yung nandiyan na naman! Kakatapos lang ng sembreak, parang multo na agad ah."

At saka lamang napalingon si Odyssey sa labas ng classroom kung saan sila gumagawa ng group report para bukas. Alas-sais na ng gabi dahil tinapos muna nila 'yung volleyball match ng classmates nila kanina bago nagsimula sa group work. Madilim na sa labas at halatang uulan, kaya nagulat siya nang makita niya na naman ang babaeng 'yun.

At saka lang din naging conscious si Odi sa mga tingin ng mga ka-grupo niyang babae na may kakaibang tingin na sa kanya dahil sa may pinaghihintay siyang babae sa labas.

It's been a few weeks since he has first heard of her. Dahil parehas ng apelyido niya at ang first name nito, nagkamali ng tawag ang dalawang batchmates nilang nautusan ng custodian at magkahiwalay silang natawag. Akala kasi ng isa, si Lee Gabriel ang tinatawag dahil Lee lang ang nasabi ng nagutos na pumunta ito sa principal's office.

Sa huli, nagkaroon tuloy ng malaking misunderstanding at inakala ni Lee na siya ang naging model student for the month of October. Nang malaman ang totoo, initially, nakita ni Odyssey na nahiya ang babae bago tuluyang umalis.

He just didn't expect na 'paglabas niya, naghihintay pa rin ang babae at bibigyan siya ng maraming papuri dahil narinig pala nito ang pag-uusap nila sa loob.

Simula noon, palagi nang sumusunod-sunod sa kanya si Lee at nakikipagkaibigan.

Buong akala niya naman, dahil dadaan ang sem-break, matitigil ito 'pagbalik nila ng school. Dahil maging siya nga, nakalimutan na may babaeng sumusunod-sunod sa kanya bago sila magbakasyon, kaya nga hindi niya agad naintindihan 'yung ipinupunto ni Jerico kanina.

"S-sige na sa'kin na 'yung Plate techtonics. Sa'yo na 'yung earthquake mechanisms. Jia, okay lang sa'yo 'yung Volcanism? Tapos kay Alice 'yung athmosphere. Kaunti lang naman 'yon. Ano game?"

Sa haba ng sinabi ni Odi, wala palang nakikinig sa kanya dahil lahat, nakatingin sa labas. Malakas na pala ang ulan.

"Odi. Labasin mo na kaya 'yung girlfriend mo?"

"Girlfriend ka diyan." Tumingin din siya sa labas at agad natanaw na may kulay pink na payong na naroroon sa likod ng makakapal na patak ng ulan. "Tapusin muna natin 'to. I-outline muna natin 'yung topics para walang makalimutan sa ire-report."

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon