Chapter XV

110K 1.8K 249
                                    

Aizelle's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aizelle's POV

"Ayos na ba ang mga gamit mo?" She asked without giving me a look. Naglilista siya ng mga gastos para sa linggo na ito. Hindi ko alam kung para saan.

"Ayos na," I answered, looking away and motionlessly staring through the darkness outside my window.

I always dreamed of travelling overseas since I was a kid. I should be excited and thrilled about it but I'm not, not now. Masyadong biglaan.

"Ilang araw ako doon?" I asked her.

"One week lang. May mga empleyado rin doon na dadalhin sa Japan. Maswerte ka at makakaabot ka sa huling araw interview." She explained. "Makikita mo na rin ang nanay mo,"

Tulala akong nakatingin sa kawalan. Si Mommy. Matagal na palang alam ni Auntie kung nasaan ito. Ito siguro ang paraan niya para ipamukha sa akin ang galit niya. Nakalabas na si Bobby sa ospital dahil sa pagkakabugbog ni Drei. Desidido si Drei noong una na sampahan ng kaso si Bobby. He introduced me to a lawyer that same day and convinced me to file a police report first. Noong una desidido rin ako pero magaling itong si Auntie. Alam niya ang kahinaan ko.

Ayaw niyang sampahan namin ng kaso si Bobby. Desperada siya. Alam niya kung nasaan ang nanay ko at alam niyang desperada rin ako na malaman kung nasaan ito. Pinagbawalan na rin niya akong makipagkita kay Drei. Sinunod ko siya tulad ng lagi kong ginagawa.

"Bukas ko iaabot sa'yo ang address niya." She reminded me. "Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto mo mahanap ang nanay mo. Kung gusto ka niyang makasama, hindi mo na siya kailangan pang hanapin. Dapat siya ang humanap sa'yo." She went on and I was so exhausted to care. I feel restless for days already.

Hindi ko siya pinansin. It's been almost a month, wala na akong balita kay Drei. Pinagbawalan ako ni Auntie at ayaw niya akong makitang hahawak ng cellphone. Hanggang ngayon si Bobby pa rin ang iniisip niya. Umuwi na si Bobby sa probinsiya nila at hindi ko alam kung ano ang plano ni Auntie sa kanya. Galit na galit si Miko nang malaman ito pero nag-away lang sila ng Mama niya.

Hindi namin afford ang mga expenses papuntang Japan, gumawa lang ng paraan si Auntie. May nakilala siyang mabait na recruiter na tutulong sa amin. Factory worker sa Japan ang aapplyan ko pero kailangan ko lumipad patungong Singapore bukas para mameet ang employer ko. Willing daw ang employer to shoulder all the expenses dahil kailangan nito ng tao. I just need to fly to Singapore para sabay sabay na kami ng ibang empleyado papuntang Japan. The final interview will be conducted there.

Tinanggap ko dahil gusto ko makita ang nanay ko. Matagal na pala sa Japan si Mommy. Doon daw ito nagtatrabaho.

"Food and accomodation ang sagot ng employer mo. Basahin mo mabuti 'yung contract. Sigurado na siksikan kayo sa isang flat. Itago mo maigi ang mga gamit mo." Paalala niya.

Hindi naman ako sumagot. There was a long silence.

"Auntie," I started. "Gusto ko makita ang mga kaibigan ko bukas bago ako umalis." I swallowed, almost biting my tongue. I was mentally praying she would allow me.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon