Chapter XI

105K 1.6K 80
                                    

**Warning: SPG**

Aizelle's POV

"Just wait for me here. Dito ka na lang baka mapano pa ang kotse mo." I said, warning him. Drei looked at me, not answering. It was quick and somehow I was able to see his annoyed expression. Nagtatalo kami kung sasama ba siya sa bahay o hindi na. Of course I didn't want him to see Bobby. Kaya ayoko muna siya pinapapunta sa bahay. Naghahanap pa kasi ako ng malilipatan na boarding house o bed space. I would tell him once I find one. For now, I just want everything to be at peace.

He was quiet for a few minutes, then he sighed in defeat. He was holding my hand from the time we left his unit. He didn't want to let me go. Kinikilig pa rin ako kahit magdamag na kaming magkasama.

"Don't take too long.." He finally said as he kiss the back of my palm. He was still focused on the road, driving. Para akong kinuryente sa ginawa niya. Drei is so annoying! So annoying because he always makes me feel this way. Yung kuryente parang nagmula pa sa gitna ng mga hita ko, paakyat sa ulo. Mamamatay na yata ako sa kuryente ni Drei, dilat ang mga mata, nakangiti at galak na galak. Nakakainis.

I bit my lower lip and looked away. Nagpipigil ako mangiti habang naaalala ko ang mga pinaggagawa niya sa akin kagabi at kaninang umaga.

"Sandali lang ako ha, huwag ka na sumunod." I warned him again. Tumango naman siya at tahimik na sumunod sa mga sinabi ko.

Bagong ligo rin si Drei, basa pa rin ang buhok niya. Napakatagal niya palang maligo. Dala pa niya sa loob ng banyo ang phone niya. Muntik na namin pagawayan kasi akala ko may iba lang siya katext o katawagan. Tinatawanan niya lang ako sa mga pinagsasasabi ko.

The weather is gloomy today. I was almost near our house and it feels like there were heavy rocks placed on my chest, it's hard to breathe. It was the same familiar feeling when Bobby almost raped me. There's no peace of mind in that house anymore, I feel unguarded as though my life is at risk. Our house used to be my favorite place, but now I hate being there.

Naabutan ko si Miko na nasa salamin. Nagaayos ito ng buhok. "Aalis ka?" I asked him.

"Oo, natanggap ako sa factory na sinasabi ko sa'yo."

"Wow congrats!" I said excitedly. Ngumiti siya sa akin. Mabait sa akin si Miko, kahit na tamad siya at inis ako sa ugali niya minsan, we both treat each other nicely. Magpinsan talaga ang tingin namin sa isa't isa. "Si Auntie?"

He shrugged his shoulders. "Umalis yata, ikaw ba may pasok din?"

"Oo e.."

"Ikaw na maglock ng pinto.." Sabi niya at nagsoot na ng sapatos. "Alis na ako."

"Ingat ka!" Sabi ko sa kanya habang paakyat ako sa taas.

Nagmamadali akong magbihis. Naramdaman kong nagvivibrate na ang phone ko sa bulsa. I hurriedly went out of my room nang makapagsoot ng damit, hindi ko pa nga naisasara lahat ng butones eh. Natataranta ako dahil baka mainip si Drei.

"Wow, ayos ah.." Napatalon ako sa boses ni Bobby na hindi ko namalayang nasa baba na rin pala. Nag aalmusal ito at mukhang kagigising lang. Kahit kinakabahan ay nagmamadali kong tinapos ang pagkakabit ng mga butones. I glared at him. "Kumikinis ka ah.." Bati pa niya.

"Gago!" Hindi ko napigilan ang sarili kong masabi iyon.

"Anong sabi mo?!" Nagulat ako nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin, akma niya akong susuntukin. Alerto kong sinipa ang binti niya at saka sinampal. "Huwag na huwag kang lalapit sa akin! Mapapatay kita Bobby!" I shouted. I was so angry and my body was trembling in fear at the same time.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon