Chapter X

115K 1.8K 120
                                    

Aizelle's POV

"Aizelle, kain na.." A deep and familiar voice greeted me as I make my way to the dining area. Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang makita ko kung sino iyon. Bigla akong nahirapan sa paghinga. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Auntie at si Bobby na nag-aalmusal. Nakasimangot naman si Miko na kasabay nila sa pagkain. I looked down as I feel the anger started to rise up. I walked past them and tried ignoring Bobby's annoying presence. Nanginginig ang mga daliri kong inabot ang suklay at humarap sa salamin.

"Kagabi dumating itong si Bobby, ang dami nga niyang pasalubong Aizelle oh." Panimula ni Auntie. Lumapit siya sa akin habang nagsusuklay ako sa harap ang salamin. "Aizelle, may trabaho na si Bobby. Akala ko hindi na magbabago 'yang mokong na yan." Bulong niya. Mukhang masayang masaya si Auntie. Hindi ko magawang tumingin kay Bobby na kausap si Miko habang kumakain.

Ngayon ko naiisip kung bakit mainit ang dugo sa kanya ni Miko. Hindi niya masyado pinapansin si Bobby noon pa man.

Pero hindi ko magagawang ipagkait kay Auntie ang mga bagay o tao na magpapasaya sa kanya. Si Bobby iyon. Mawala na kaming lahat pero huwag lang si Bobby, sobra niya itong mahal. Ngayon na may nararamdaman na rin ako para kay Drei, naiintindihan ko si Auntie. Kailangan na lang siguro ay magdahilan ako kay Auntie at sabihin na hihiwalay muna ako ng titirahan. Mas makakabuti iyon.

"Kumain ka at sayang ang mga pagkain. Magdala ka rin sa school tapos bigyan mo 'yung boyfriend mong mayaman.." Tuwang tuwa na sabi ni Auntie. Hinatak niya ako sa braso pero sa isang direksyon lang ako nakatingin. Nandoon pa rin 'yung galit ko at pandidiri. Baka pag nagtagal pa ako rito mapatay ko lang si Bobby. Makulong lang ako at masira ang buhay ko.

"Auntie, may quiz kasi kami. Kailangan ko pumasok ng maaga." I answered. Naguilty ako nang makita ko ang itsura ni Auntie. Kung kailan parang nabawas-bawasan na ang mga pagsigaw-sigaw niya sa akin eh ganito naman. Si Bobby ang sisira sa amin.

"Oh Aizelle, kamusta? Nag aaral ka bang mabuti?" Bobby asked, casual and relaxed. Parang totoo lang kahit hindi naman. Napatingin ako kay Auntie na maiyak-iyak pa. Hindi ko siya kayang tignan ng matagal. Nadudurog ang puso ko.

"O-opo, papasok na ako. Doon na lang po ako kakain sa school. Sige po." Mabilis ako'ng nagpaalam at umalis. Akala ko ay nakaligtas na ako, pero sinundan ako ni Bobby sa labas. Hinigpitan ko ang hawak sa mga bitbit ko. Subukan n'ya ako'ng pagtangkaan ulit, ihahampas ko talaga sa kanya lahat 'to.

"Nga pala, Aizelle." Tumingin-tingin s'ya sa paligid at dumukot ng pera sa wallet n'ya. "Ayan, baon mo ng isang linggo. Pasensya ka na sa nangyari nung nakaraan, pwede bang kalimutan na natin 'yon?" He held my shoulders and I quickly stepped away. Para ako'ng napaso sa ginawa n'ya. Pakiramdam ko ay binabayaran niya ako at magkakaroon ito ng kapalit.

"Tito, hindi na po–" sinosoli ko ang pera pero tinulak n'ya pabalik ang kamay ko.

"Sige na, tanggapin mo na 'yan. Huwag ka na mahiya, parang iba ka naman sa akin oh." Hinawakan pa n'ya ang kamay ko at lalo ko iyong kinagalit. Hinding hindi ako tatanggap ng kahit na ano galing sa kanya. Hayop s'ya.

"Hindi na nga sabi eh!" Napasigaw ako at marahas na binalik ang pera sa kanya. Nagmamdali akong umalis. It feels likes there's a heavy rock on my chest because I know, at the end of the day, uuwi pa rin ako sa bahay na iyon. Naririnig ko pa ang boses ni Auntie na parang tinatanong kung ano ang nangyari. Wala na rin ako pakialam dahil ang tanging gusto ko ay makalayo.

I breathed. I am not feeling good about this. Natakot ako sa posibleng mga mangyari. Nasa bus na ako when my phone vibrated.

"Babe," Drei said on the other line. "Where are you? I'm here in front of the drugstore." Since he used the car, hanggang sa drugstore malapit sa amin lang ito nakakapasok. Kailangan pa niya maglakad papasok sa eskinita para masundo ako. I almost slapped myself, I forgot he's going to pick me up.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon