Chapter V

125K 1.9K 125
                                    

Aizelle's POV

"Frio Maniego? Are you serious?!" Alona exclaimed indignantly. Napapalibutan si Daphne ng mga classmates namin. She has that confident look on her face, always with poise, wearing skyscraper heels and lots of make up. As a girl, I secretly look up to her. I know that she's beautiful inside and out. Gandang ganda ako sa kanya pati sa personality niya. Sa totoo lang, si Drei naman kasi talaga ang may kasalanan bakit siya galit sa akin. Babae rin ako and I completely understand her.

"I feel like makukuha niya talaga 'yung gusto kong design. He also said he likes my ideas! We're like friends already." Daphne said cheerfully. She sounded very excited. "Hindi nga ako makapaniwala. The designer of my gown is also the designer of Mrs Zoey Herrera. We all know that they are record breaker. Siya rin ang nagdesign ng gown niya nung underwater wedding nila nung tito ni Drei! It was the most romantic wedding." She expressed, her eyes twinkled. Humagikgik sa kilig ang magkakaibigan. Wala silang ibang pinaguusapan kung hindi ang pamilya nila Drei.

Next week na ang College night for Department of Engineering. Everyone has been talking about it and they are so excited. That is my problem. All scholars are required to attend para magparticipate at maging coordinator. Nakakainis! Hindi naman kasi ako mahilig umattend ng mga ganon.

"Daphne, ano color ng gown mo?" one of her friends asked, her name is Lyka.

"And why would I tell you? Baka mamaya parehas pa tayo ng color. Ayoko nga." may pagka bratinelang sagot ni Daphne. Lyka was shrinking back. Muntik na ako matawa sa itsura nila. Ang cute nila panoorin. I know someday magiging model itong si Daphne at maraming lalaki na pag-aagawan siya.

Nasa pinaka likod ako, nakaupo ng tahimik at nagbabasa ng isa sa mga paborito ko'ng libro. Hindi nga lang ako makapag concentrate. Ang aga ko kasi pumasok ngayon.

Napatingin ako sa tabi ko, sa upuan ni Drei. Wala pa s'ya. Ilang buwan na rin ang nakakalipas simula 'nung may nangyari sa bahay. Laking pasasalamat ko kasi umalis na si Bobby, nagkaroon yata sila ng pagtatalo ni Auntie. Isang araw noong dumating ako sa bahay para sana kunin ang mga damit ko, nakaalis na raw ito. Araw-araw walang ginawa si Auntie kung hindi ang uminom. Nakakainis dahil para akong may alagang dalaga na first time mainlove at masaktan. Mahal na mahal n'ya talaga si Bobby. Hindi man lang daw kasi ito nagpaalam at basta basta na lang umalis. Pinili ko na lang din ang itikom ang bibig ko sa mga nangyari, tutal wala naman maidudulot na maganda. Kailangan ako ni Auntie.

Simula rin ng gabing 'yon naging malapit na kami ni Dreigan sa isa't isa. May oras na pakiramdam ko ako lang ang kinakausap n'ya sa room. Madalas din namin mapagkatuwaan na magpataasan ng score sa quiz, sa test at kung ano ano pa. We have that very simple rule, 'pag talo ka, manlilibre ka'. So far, lagi s'yang talo sa akin, but it was always a close fight. One point lang lagi ang lamang ko sa kanya. Nakakatuwang isipin pero mas lalo ko'ng naeenjoy ang pag-aaral ko. I feel motivated in some way.

Napatingin ako sa pinto ng room nang makita ko si Dreigan na paparating, natahimik ang grupo nila Daphne sa pagtsitsismisan dahil sa bigla n'yang pagpasok. Panalo na naman ako, laging libre ang lunch ko dahil hindi s'ya manalo-nalo sa akin. Napangisi ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Mas maaga ako'ng pumasok kaysa sa kanya.

Nasa libro ang atensyon ko pero nakikita ko'ng lumapit si Daphne kay Dreigan.

"Drei, aattend ka ba next week?" panimula n'ya. Hindi naman s'ya kinibo ni Drei at dire-diretsong umupo sa chair n'ya-sa tabi ko. "Punta ka ha," she added. Nilabas ni Drei ang sarili n'yang libro at sinabayan ako'ng magbasa. Bumalik si Daphne sa mga kagrupo niya.

Pumwesto si Drei at ginaya niya ang pagkakahawak ko sa libro. Para siyang tanga. Pinag-krus n'ya pa ang mga hita n'ya.

"Ano ka ba Daphne, alam mo naman never umattend si Drei sa mga ganyan. Kailan ka ba titigil sa kakatanong?" Sita ni Justin kay Daphne. Yan nga rin ang sagot sa akin ni Drei noong tinanong ko s'ya kung aattend s'ya. Hindi naman kasi talaga raw s'ya umaattend sa ganun. He finds it boring.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon