Chapter VI

125K 1.9K 77
                                    

Aizelle's POV

"Aizelle, paano mo ba nasolve 'yung bwisit na assignment natin? 'Yung number one saka nine hindi ko talaga magets, paturo naman oh." Michelle complained. Napahinto ako sa pagsusulat at nilingon s'ya. Bumuntong hininga ako at napakagat sa ibabang labi. Nagsabay sabay na ang mga ginagawa ko.

"Aizelle, ako nga rin. Pwede pakopya na lang? Tangina suko na ako. Magkaparehas naman tayo ng formula at solution pero mali nagiging sagot. Sumasakit na ulo ko rito ha!" Baron nagged. Tumabi s'ya sa akin at sinulyapan ang paper ko. "Oy, Aizelle. Ikaw din ang gumagawa ng assignment ni Dreigan? Sa kanya ba 'yan?" Bigla n'yang tanong nang makita ang sinusulat ko. Pinasadahan n'ya ng tingin ang papel at ikinumpara sa kanya. Kinabahan ako hindi dahil sa nalaman n'ya na ginagawa ko ang assignment ni Drei. Kinabahan ako kasi madinig palang nila Daphne ang pangalan ni Drei, para na silang mga aso na di makapanganak. Inirapan na naman ako ni Daphne at bumulong-bulong sa mga katabi n'ya. Sabay-sabay pa silang tumawa pagkatapos.

Napailing na lang ako, sabi nga ni Drei. Huwag ko na lang pansinin. Kahit naman ipaliwanag ko sa kanila, hindi nila ako papakinggan. People will judge you no matter what you do. Why bother doing something that isn't right and is way too far from your own upbringing and moral values? Let them judge you, let them hate you, but never let them hurt you. Don't take it out of context because there's one good way of fighting back-It is silence.

"Oo, malelate raw kasi s'ya." Sabi ko sabay kuha ng mga papel nila. I'm happy doing this, sharing what I know. It feels good kapag nakikita ko'ng natututo sila dahil sa akin. "Ganito lang kasi yan. Kabisado n'yo nga 'yung formula pero hindi n'yo naman kasi alam ang concept. It will be useless kung ganon. Analyze. Don't just memorize." Baron and Michelle scooted their chairs closer to me. They both listen and concentrate."Practice niyo lang. Eto ha, I'll give you examples. I-solve n'yo sa bahay, bukas ichecheck ko. Fifteen examples 'to. Saka trust your instincts lang, malay niyo, mali 'yung sagot ko at kayo pala ang tama." I explained. Baron smiled and poked my waist.

"Dude, you're the best! Don't worry. Lunch is on me." Humalakhak si Baron at nakipag-apir kay Michelle. My eyeballs feel like it is going to pop out.

"Sabi mo yan ha! 'Di ko tatanggihan yan." I responded with excitement. We all laughed. Michelle is actually a lesbian, kaya naman magkasundong-magkasundo sila ni Baron. Madalas ako'ng biruin ni Michelle, crush niya raw ako kaya lang mukhang may nakabakod na raw sa akin. Hindi ko nga siya magets sa mga sinasabi niya. I like their personalities though-both of them. Walang halong kaplastikan. They know my situation and to blend in, nagaadjust sila para sa akin.

Nagtatawanan kaming tatlo nang napatingin ako sa gawing likod, nandoon na pala si Drei. I made an inward gasp. The smile on my face faded a little, it was slowly and it was enough to come up with an assumption that something is really wrong with me. Something that is going to explode right in my face. Nakapangalumbaba siya, nakapatong ang siko n'ya sa armchair. Nakatitig s'ya sa akin. What's more annoying is I already caught him staring at me and he doesn't give a damn! So, sino ang magaadjust sa amin? Ako na lang lagi? Ako na lang lagi ang ilang na ilang!

I looked down and took a gulp of my own saliva. Ang dibdib ko, eto na naman ang walang hiyang dibdib ko na parang kinabakabayo sa nerbyos.

Oh no, I'm blushing and he's still looking at me. Wait, I'm blushing!

It felt like my face is on fire and my skin is burning

I'm blushing because of my own stupid meaningless thought process and it felt as though he can read my mind! So stupid, Aizelle. You are so stupid! Nanggigigil ako sa sarili ko.

And just like the usual thing I do, I had to drop the idea-all the ideas about him and just pretend that I didn't caught him, I pretended that nothing happened. Tumayo ako at naglakad na papunta sa upuan ko-sa tabi niya, tangina sa tabi niya! Bawat hakbang papunta sa likod ay pasikip ng pasikip ang dibdib ko. Naiilang na ako sa presensya n'ya. Madalas ko na s'yang mahuli na tinititigan lang ako. Hindi ko naman s'ya matanong kung bakit. Knowing him, wala siyang matinong sagot.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon