Chapter II

136K 1.8K 105
                                    

Aizelle's POV

Ito ang pinaka ayoko sa lahat, first day of school, lalo't hamak na transferee ka lang. Kasama na yata rito ang magmukha kang tanga. Itsura pa lang ng mga students dito mukhang matapobre na, ang hirap hirap tuloy mag initiate ng friendship. Paulit-ulit ko'ng tinitignan ang registration form ko na pinrint kagabi.

I heaved a sigh and scratched the back of my head. Wala man lang gustong tumulong sa akin e obvious naman na nawawala ako. Ang laki kasi ng University na 'to.

"Kuya, excuse me? Do you know– " Napaawang ang bibig ko. Hindi ako pinansin! Napahiya ako. "Pakyu!" Pahabol ko at syempre hindi ko pinarinig. Nauubusan na talaga ako ng pasensya.

Nakakita ako ng isang grupo ng mga babaeng nagkukumpulan. Mukha naman nag-dive sa pool ng harina itong mga 'to. Ang puputi kasi nila, ang gaganda pa, ako lang yata ang medyo naiiwan ang itsura rito. Hindi naman ako kapangitan. Kahit paano may katawan naman ako pero 'pag nasa ganitong lugar ka, bibigyan ka talaga ng dahilan para magalit sa mundo at maging insecure. May mga klase kaya sila? Ang suswerte nila sa buhay. Lahat sila siguro hindi namomroblema sa pera at sa pag aaral. Samantalang ako, kailangan ko pa magtrabaho para lang maka survive sa pinasok ko na ito. Hindi ko naman kasi kailangan makipagsabayan sa standards nila o sa way of living, basta ako magpapakatotoo ako rito.

Naupo ako sa bench na malapit sa kanila, bumusangot 'yung babaeng naka-pumps na itim habang umiiyak naman 'yung babaeng mapula ang nguso. She's wearing a shiny black pants and pink crop top. Parang hindi papasok ah, parang party ang pupuntahan. Leche, kung ako may soot niyan e pangmalakasan na porma na, samantalang sila normal na araw lang. Ang gaganda nila pumorma, pang-model.

"Girl, don't cry. It's okay." Sabi nung babaeng morena. Hinimas-himas n'ya ang likod nung babaeng maganda–'yung umiiyak.

"What?!" Singhal naman sa kanya dahilan para mapa atras s'ya. "How could you fucking say it's okay?! He's my first! You moron!" She added furiously.

"I'm just being a friend, Daphne. You are so mean!" She answered. Humikbi-hikbi s'ya at pinunasan ang dulo ng mata gamit ang mapipilantik n'yang mga daliri. Mukhang ang aarte nila pero bagay naman. Actually, ang cute nila tignan. Bakit ako pag nag inarte ng ganyan, katakot-takot na mura ang inaabot ko kay Auntie?

Tumalikod s'ya at nag-walk out. May humabol na isa sa kanya kaya naman naiwan ang tatlong babae doon, umupo ang mga ito sa tabi nung umiiyak.

"That girl is useless. I'll have a word with her later. Anyway, Daphne, how's Drei? Was he good? Describe him in one word, please!" The girl wearing a black skirt pleaded. Her hair is long and curly.

"Yes! Me too. I really want to know. Sabi nila, Drei is huge!"

"Sorry, not into complicated men so mas crush ko si Zyke and he's way hotter."

"But you couldn't have Zyke. He doesn't like you."

"Oh shut up!"

"O M G! Daphne, come on! Make kwento! Have you seen his tattoo? Did you touch it?"

Tahimik lang nila inabangan ang babaeng umiiyak na magsalita. Pati nga ako naiintriga na rin sa kanila. Ang lakas kasi ng mga boses nila.

Pinunasan n'ya ang luha n'ya at pumostura bago magsalita.

"He's a diver." She said. "And you're wrong girls. It's not huge or big, it's giant. I even thought I was going to wake up in a hospital." She added while gesturing a giant thing. Maybe a giant building? They all squealed, gathering the attention of the other students. Mukhang kilig na kilig ang itsura nila except 'yung Daphne.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon