Chapter Fifty-Five

26.3K 757 103
                                    

Chapter Fifty-Five

Isang milagro kung paano ako nakarating sa beach house nang hindi naaksidente. Panay lang ang agos ng luha ko. Nahuli ako. Hindi ko ito kaya. Pinatay ko ang engine ng sasakyan at nagstay muna sa loob nito. Ang akala ko okay na ang lahat. Akala ko kapag bumalik ako rito magiging okay na ang lahat. Hindi pala. Nagkamali ako. Malayo pala sa iniisip ko ang magiging eksena sa pagbabalik ko. Wala si Timothy. Wala sya para yakapin ako. Wala sya para halikan ako. Wala sya para ngitian ako. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko nalang sya iniwan. Sana nanatili nalang ako sa tabi nya. Sana naging makasarili nalang ako at hindi inisip ang mangyayari sa pamilya nya noong mga oras na 'yon.

Nagsisisi ako. Wala na sya. Wala na ang lalaking pinangakuan ko na babalikan ko. Hindi ko na sya makikita pa. Umiyak ako nang umiyak. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Sumigaw ako sa loob ng sasakyan. Bakit naging ganito? Ang tanga ko. Bakit ko ba sya iniwan?! Kung hindi siguro ako umalis buhay pa sya ngayon. Magkasama pa siguro kami ngayon. Tama nga ang sabi nila. Nasa huli palagi ang pagsisisi. Pinunasan ko ang mga luha ko. Lumabas ako ng sasakyan at tinignan ang bahay sa tapat ko. Ang beach house ni Timothy.

Two years na nang huli kong punta rito. Mukhang walang ipinagbago ang buong lugar. Ang beach house, katulad parin ng ayos dati. Mukhang may nag-aalaga ng bahay. Mabuti kung ganon. Ang dami kong naaalala rito. Mga magagandang alaala namin ni Timothy. Ito nalang ang meron ako ngayon, mga alaala. Parang panaginip lang ang lahat. Pumunta ako sa kusina. Nagulat ako. Nakikita ko si Timothy, nakangiti at naghahanda ng pagkain namin. Nakasuot sya ng apron.

"Wifey," tawag nya.

"Yes Hubby?" katabi nya ako.

"Nakuha mo ba?" tanong nya.

"Huh? Ang alin?" tanong ng sarili ko.

Huminga sya nang malalim at nagpatuloy sa paghiwa ng mga sangkap para sa lulutuin nya. Tinuturuan nya akong magluto. Isa itong alaala. Parang isang DVD na naka-play sa isip ko.

"Naiinlove ka na naman sa'kin nyan."

'Yon ang eksaktong sinabi nya sa'kin nang mapansin nya akong nakatitig sa kanya.

"Hindi ah! Matagal na, mas inlove lang ngayon."

Tumawa sya. Pagkurap ko, nawala sya.

"Timothy."

Tumigil na sa pag-play ang imaginary DVD sa isip ko. Lumabas ako ng kusina at napunta sa sala. Nakita ko ulit sya. Isa na namang alaala. Magkatabi kami sa sofa, balot ng kumot at may kandila sa lamesa.

"Pinagtatawanan mo ako?"

"Hindi TOP, iniiyakan kita oh. Grabe dami kong luha."

"Pilosopo ka na ngayon?"

"Hahaha! Ang cute mo grabe!"

"Hindi ako tuta"

"Kakainis ka!"

"Ano'ng kasalanan ko?"

"Ang gwapo mo kasi masyado!" Kinurot sya ni Samantha two years ago sa pisngi.

"Hwag mong paglaruan ang mukha ko Wifey"

"KYAAH! Tinawag mo akong Wifey! Ulitin mo nga!"

Don natapos ang alaala ko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Minumulto ako ng mga alaala ko. Ang sakit isipin. Ang sakit isipin na hanggang doon na lang 'yon. Mga alaala nalang. Sunod kong pinuntahan ang kwarto na ginamit namin ni TOP. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Katulad kanina..isang alaala ulit ang nagpakita.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon