Chapter Forty-One

24.1K 780 65
                                    

Chapter Forty-One

"Ano ba ang ginawa nyo kay Timothy at nagkaganyan ha?!" sita ko sa apat.

"Ay! Hindi ko alam eh.." sagot ni Michie. (>0<) "Wala akong alam!"

"Malay..." kibit balikat ni Maggie.

"Basta tinurok lang namin sa kanya yung syringe eh," diretsong sagot ni China.

"Syringe?" tanong ko.

"Yung may laman na formula na pang-animals," amazed na sagot ni Michie. *O*

"ANOO?!?!! PINAG-EXPERIMENTUHAN NYO SI TIMOTHY?!!" parang bulkan na sumabog ako. Si Timothy! Ano'ng ginawa nila kay Timothy ko?!

"WAAAH!! Kasalanan ko po Unnie! Ako ang may dala nun!"

"Kayo talagang apat!!" sinamaan ko sila ng tingin.

AT KUMARIPAS SILA NG TAKBO PALAYO SA AKIN. Ang bilis ha! Pumasok na ako sa kwarto ko kung saan nandon si TOP. Nanginginig sya. AT SOBRANG LAMIG NYA! In-off ko na ang aircon kanina. Pinatungan ko na rin sya ng napakaraming kumot pero ang lamig parin nya. Ano kayang gagawin ko? Tumawag na kaya ako ng doctor? Pero hatinggabi na. Tulog na ang family doctor namin. Nakakahiya naman kung gigisingin ko pa para dito. Para sa kalokohan ng Crazy Trios. Ayoko rin na isumbong nya ako sa parents ko kapag nakita nya na may lalaki sa kama ko.

"M-Miracle.."

"Nandito ako Timothy," lumapit ako sa kanya.

Nanginginig parin sya. Hinawakan ko ang kamay nya.

"S-Stay here.." bulong nya.

Hawak nya ang kamay ko. SOBRANG lamig nya!! ICE COLD SKIN!! Umupo ako sa tabi nya. Niyakap nya yung buong braso ko. Ramdam ko yung nginig nya. Ano ba kasi yung itinurok nila? Namumutla na rin sya. Kailangan ng mainit ng tubig. Di kaya nasa transition na sya nang pagiging bampira? Hmm. Ay ano ba yan?! Ano ba ang mga naiisip kong ito?! Puro kalokohan, kasalanan 'to ng Crazy Trios eh!

"Hubby pupunta muna ako sa kusina okay? Babalik din ako agad."

"N-No, stay h-here," nanginginig na sabi nya.

"Hubby, sandali lang ako."

Hindi na sya sumagot pero hinigpitan nya ang kapit sa kamay ko.

"Haay.. Ang tigas ng ulo."

"J-Just stay."

"Okay."

"Timothy gusto mo ba ng coffee?"

"N-No."

Hinintay ko nalang na makatulog sya. After fifteen minutes siguro nakatulog sya. Pero ang higpit parin ng hawak nya sa'kin. Sinubukan kong tanggalin. Inabot ko ang ballpen at ginamit pangtangal ng kamay ni Timothy sa braso ko. After 5000 years natanggal ko na din. SA WAKAS!!! Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Nag-init ako ng tubig at naghanap ng paglalagyan at twalya. Nang makahanap ako umupo muna ako sa silya at hinintay kumulo ang tubig. Si TOP at ako, mukhang okay na kami. Pero hindi ibig sabihin non na magiging katulad kami ng dati.

Hindi na pwedeng maging kami ulit.. Dahil sa parents ko.. Alam ko na hindi sila papayag.. Kapag nagpumilit kami ni Timothy alam ko na kung ano ang gagawin nila Papa.

Sigurado ako na paglalayuin nila kami and I can't afford to lose him again. Ayoko mahiwalay ulit sa kanya. Ayoko nang maramdaman ulit ang naramdaman ko nang mahiwalay ako sa kanya. Ayoko na ulit mag-isa. Bumuntong hininga ako. So paano na?

"Unnie?"

Lumingon ako sa likod ko.

"Amarie."

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon