Chapter Nineteen

187K 2.7K 438
                                    

Chapter Nineteen

Natutulog si TOP sa desk nya. Hindi sya nagsasalita. Bigla nalang syang tumahimik. Parang may malalim syang iniisip. Hindi naman sya mukhang galit o kung ano pa man. Hindi ko nga alam kung ano ang nararamdaman nya. Sana lang sabihin nya sakin kung ano ang problema. Gusto ko sanang kausapin sya tungkol sa mga sinabi ni Cheska kaso hindi ko naman alam kung paano bubuksan ang topic na 'yun.

"Very good Ms. Perez," puri ni Mr. Larkin, ang music teacher ng Pendleton High. "And that was Pachelbel Canon in D."

Bumalik na ako sa upuan ko sa tabi ni TOP matapos kong tumugtog ng piano.

"Boring..." may lalaking bumulong.

"This subject sucks!"

"Pakialam ba namin sa music?"

"C'mon you guys, don't be like that especially ngayong malapit na ang Christmas Concert. Kailangan nyo ng practice," paliwanag ni Mr Larkin nang nakangiti.

"Two months na nga lang pala bago mag-pasko! Asar!"

"Kailangan pa ba talaga yan?!"

"Graduating kayo, lahat ng nasa fifth year kailangan mag-participate," paliwanag sa klase ni Mr. Larkin.

Lahat nagreklamo. Oo nga pala, hanggang fifth year dito sa Pendleton High at fifth year na rin si TOP. Kung ganon kailangan pala nila mag-Christmas Concert para makagraduate?

So ang ibig sabihin magpaparticipate din si TOP? Concert? Wow! Exciting! Ano kayang hitsura ni TOP kapag nag-ala-rockstar sya? Messy hair, leather pants, ripped t-shirt at kumakanta ng rock song sa stage! ('-').。oO

Pero bagay din sa kanya kumanta ng acoustic o ballad, naka-white suit at may guitar habang kumakanta, pwede din syang mag-piano. Hmm. Ano kaya mas bagay?

"Mag-practice na kayo habang maaga pa. Mas maganda na maging handa na kayo para ron. That's all, class dismissed. Diretso uwi at iwasan ang gulo!" napaka-cool talaga ni Mr Larkin. Nasa early twenties lang sya, gwapo at SINGLE!

"Ayos! Uwian na!"

"Tara sa bagong bukas na club! Ano nga palang pangalan non?"

"Mariposa!"

"Weird ng pangalan! Bwahaha! Tara na nga!"

"Dami daw bagong bebot dun eh!"

Naglabasan na silang lahat. Tinignan ko naman si TOP, tulog parin.

"Hubby gising na," pinoke ko sya

Inangat na nya yung ulo nya mula sa desk, nag-inat sya at tumayo. Kinuha ko yung bag ko at kumapit sa braso ni TOP. Lumabas na din kami ng room. Ang tahimik parin nya, ano ba 'yan? Naman oh!

Pumunta kami ni TOP sa school ko dahil kailangan kong mag-pass ng report tungkol sa bago kong school. Lahat ng seniors ay required gumawa non.

Pagkalabas ko ng building nakita ko ang mga kaklase ko na nagkumpulan sa gate at nagtititili. Not again! TOP!

"Taga-Pendleton yan ah!"

"Oo nga, ano kayang pangalan nya?"

"KYAAH! Ang gwapo!"

Ito ang problema kapag gwapo ang boyfriend mo. Magkakaron ng maraming admirers si TOP at magkakaron ako ng haters.

"Mukha syang pamilyar," nakamasid na sabi ni Arrielle, kaklase ko.

"Oo nga," tumango si Beatrice.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon