Chapter Thirty-Three

21.9K 721 27
                                    

Chapter Thirty-Three

Malawak ang sakop na lupa na kinatitirikan ng puting mansion. Lumapag ang sinasakyan namin sa tapat mismo nito. Nakalinya sa harap namin ang mga katiwala na pinangungunahan ng Butler na si John. Yumuko sila at nagbigay galang nang makababa kaming dalawa ni Kuya.

"Maligayang pagbabalik Miss Samantha, Sir Lee," sabay-sabay na bati nila habang naka-bow.

"Naghihintay po sina Madam sa Office. Hinihiling nya na pumunta kaagad kayo doon sa oras na makabalik kayo."

"Alright John," sagot ni Kuya Lee.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Katulad parin ng dati sumalubong ang magarbo at eleganteng displays. Ang mga mamahaling crystal chandeliers, mga antique vases at original paintings na nagkakahalaga ng ilang milyon. Walang kasing ganda ang mansion na ito. Itinayo ito gamit ang pinakamahal at pinakamatibay na materyales. Unang pasok palang, mararamdaman na kaagad ang karangyaan na tinatamasa ng mga nakatira rito. Isang walang hanggan na kayamanan. Isang paraiso. Pero para sa akin isa itong kulungan.

Mas pipiliin ko ang isang simpleng bahay. Kahit maliit lang. Kahit walang mga mamahaling gamit. Kahit hindi malawak ang lawn. Basta kasama ko lang ang taong mahal ko. Si TOP. Gusto kong bumalik sa beach house, kung nasaan sya. Umakyat kami ni Kuya sa hagdan patungo sa office ni Papa. Ganon sila ka-workaholic. Pati sa sariling bahay ay may opisina pa. Kumatok si Kuya sa malaking pintuan at binuksan. Nauna syang pumasok sa loob. Sumunod ako.

Isang malutong na sampal ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko sa office.

"Wow Ma. I missed you too," walang emosyon na sabi ko.

"Do not use sarcasm on me young lady!" sigaw ni Mama. "Your actions are very irresponsible! At kailan ka pa natuto na maging bastos at walang galang sa mga magulang mo?! Hindi ka na nahiya! Isa kang Perez for God's sake! Paano kung kumalat ito? My God Samantha! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng mga—"

"Yan! Wala naman ibang mahalaga sa inyo kung hindi 'yan! Yang image nyo! Ang kapakanan ng kompanya! Ang mga sasabihin ng ibang tao! Wala kayong pakialam sa'kin!"

"Samantha!!" saway ni Papa. "That's enough. Igalang mo ang Mama mo."

Hindi ako umimik. Patigasan lang 'to.

"Samantha.. Kahit kailan hindi ko naisip na magiging ganyan ka. Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Mama na maiiyak na. "Anak.. Yan ba ang nakuha mo sa pagsama sa patapon na batang 'yon?"

Uminit ang ulo ko sa narinig kong 'yon. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Hwag nyo syang tatawagin na patapon Ma! Hindi nyo sya kilala!" mariing sabi ko. Hindi nila kilala si Timothy.

Nagulat sila pareho. Pero agad din silang nakabawi sa pagkagulat. May kung ano'ng emosyon na dumaan sa mga mukha nila.

"Hindi kilala? Alam mo ba na kumuha pa ako ng private investigator para lang malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa batang 'yon?!" sagot ni Mama. Galit na galit na sya ngayon.

Mga records ni TOP. Mga Gang Fights ba nya?

"Hindi nyo sya dapat na husgahan sa mga records na yon! Normal lang naman na—"

"Na makulong sya sa salang kidnapping? Kung normal 'yon para sa'yo Samantha, mukhang nabulag ka na talaga nya.." umiling si Papa sa'kin. "I am so disappointed."

Para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib. Ang mga salitang 'yon ang dahilan kung bakit pinagbubutihan ko sa school. At ngayon narinig ko na sila. Sobrang disappointed sila sa'kin.

Nagmahal lang naman ako ah. Pero higit na mas masakit ang ginawa nila sa amin ni Timothy. Mas masakit ang paghihiwalay namin kaysa ang marinig sa sariling bibig ni Papa na disappointed sya sa'kin.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon