Chapter Two

679K 8K 2.1K
                                    

Chapter Two

THREE DAYS AFTER

"Okay class that's all for today. Don't forget to pass your project on Monday, class dismissed," sabi ng instructor namin sa English.

Tumayo na ang mga kaklase ko at lumabas ng room. Ang saya nilang tignan samantalang ako natatakot lumabas ng school. Paano kung bigla kaming magkita? Ayoko pang mamatay.

"YES! Halfday tayo ngayon! Tara sa mall may kailangan akong bilhin na CD!" yaya ni Maggie.

"Manuod na rin tayo ng movie! Ano ba ang magandang palabas ngayon?" tanong ni China.

"Manuod nalang tayo ng Habulin Mo Ako Lalaking Lumpo," suhestyon ni Michie.

"Haay.. Kayo nalang, baka may makakita pa sa akin sa mall." (。-_-。)

"Heh! Hwag ka ngang KJ!" saway ni China.

"Party Pooper," bulong ni Maggie.

"I heard that Maggie," I said while glaring at her.

"Hehe! Good, ibig sabihin nyan malakas pa ang pandinig mo," palusot nya.

"Sumama ka na Sammy," sabi ni Michie habang hinihila ang braso ko palabas ng classroom.

Humawak ako sa doorknob para hindi niya ako mahila palabas. Mabuti nalang nakalabas na ang mga classmates ko kung hindi, mapagkakamalan nila kaming baliw dito.

"Che! Manahimik kayo! Sino ba ang may kagagawan kung bakit ako nasa most wanted list ngayon ha?" !!o(>__<)o!!

"Whoo, girls," tawag ni Michie at tumingin kina China at Maggie.

Sa isang iglap nasa magkabilang gilid ko na ang dalawa at hawak ang magkabilang braso ko. Hinigit na nila ako palabas ng classroom at palabas ng school building. Nagpupumiglas parin ako.

"NO!!! WAHH!! I DON'T WANNA GO WITH YOU—" naputol ang sigaw ko nang makita na kumukuha ng package tape si Michie.

"Ehem? Sasama ka ba Sammy o kailangan pang gumamit ng dahas?" tanong ni Michie.

Nanlaki ang mga mata ko."FINE! FINE! FINE! Sasama na ako sa inyo!"

"Good," sabay na sabi nilang tatlo. ヽ(^▽^)人(^▽^)人(^▽^)ノ

"Crazy," bulong ko. (−_−;)

***

Nakarating na kami sa mall at agad kaming pumunta sa second floor. Tumingin kami sa mga pwedeng panoorin at nagkasundo na manood ng horror movie.

"Bumili na kayo ng ticket, kami na ang bahala sa snacks," sabi ko kina China and Maggie.

"Okay!" sabay nilang sagot.

Habang bumibili ako ng popcorn may bumunggo sa akin na lalaki.

"Ay butiki!" gulat na sambit ko nang may tumama sa akin. Napatingin ako sa kanya. Matangkad sya at hanggang dibdib lang niya ako kaya naman kailangan ko pang tumingala sa kanya. "Naman oh! Pwede mag-ingat? Libre naman yun eh, walang bayad," sabi ko. Muntik na kasi akong matumba.

Tumingin lang sa'kin sandali yung lalaki pero hindi ako sinagot. Suplado si kuya. Hindi sinasadya na naamoy ko sya. Amoy mamahalin na pabango. Ang bango nya. @(・●・)@

"You," he said and removed his VERY expensive looking shades. "What the hell are you doing?" pansin nya na inaamoy ko sya.

Napalayo ako bigla. Ano ba ang ginagawa ko? Bakit ko sya inaamoy? Tinignan kong mabuti ang mukha niya. High arrogant cheekbone, strong jawline, straight proud nose, red sexy thin lips, unfairly long eyelashes, cold stormy grey eyes. His eyes held so much intensity. Para bang hihigupin nito ang kaluluwa mo kung tititigan mo nang matagal.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon