Chapter Forty-Three

21.3K 752 34
                                    

Chapter Forty-Three

"Miracle."

Tumingin ako sa kanya. Nasa park kami at nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno.

"Bakit?"

"Ang sakit." Seryoso ang mukha na sabi nya.

"Huh?! Saan?!" Napaayos ako ng upo at hinanapan sya ng pasa o sugat.

"Dito oh.." sabay turo sa may labi nya.

"Niloloko mo ba ako? Wala naman pasa eh." (−_−;)

"Meron. Tinamaan ako kanina dyan.." pilit nya.

Tinitigan ko sya. Ano ba kailangan nya?

"Wala naman eh." (−_−;)

"Meron. Tignan mo."

Ano ba ang pinagsasabi nito? Eh wala ngang gusot yung damit nya nang makipaglaban sya eh.

"Ano ba talaga ang kailangan mo?

"Gamot."

"Huh?"

"Para mawala yung sakit, kailangan ko ng gamot."

Inuutusan nya ba ako? Nagpaparinig? Gusto ba nyang ibili ko sya ng gamot?

"Tinatamad ako maglakad, bili ka nalang dyan sa tapat."

"Tss. Slowpoke," bulong nya habang sa ibang direksyon nakatingin.

Di ko sya pinansin. May sumpong siguro si Timothy ngayon. Tinotopak. Ang sarap magpahangin dito. Pinikit ko ang mga mata ko at sumandal. Ang tahimik. Ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. May dumampi sa pisngi ko na malambot. Napamulat ako. Hinalikan ako ni Timothy sa pisngi.

"Para san 'yon?" tumingin ako sa kanya.

"Yung gamot ko."

"Ano'ng gamot?"

"Yung. Gamot. Ko. Wifey," parang naiinis na sya.

Ayan na! Magkasalubong na mga kilay nya.

"Ano ngang gamot?"

"Shit! Forget it!" sabay tayo at lakad ng mabilis.

Wah! Ano ba problema nya?! Moody talaga.

"Hubby! Teka!" tawag ko.

Sinundan ko sya. Habang naglalakad, tahimik lang sya. Nasa likod nya ako. Ang moody talaga nito. Ano na naman ba ang kasalanan ko? Ang dark na naman ng aura nya kaya naman ang mga nakakasalubong namin naiwas sa daan namin.

Ano ba kasi 'yon?! Bakit di nalang nya sabihin?! Naman oh!

"Uy!" tawag ko kay TOP.

Ang bilis nya talaga maglakad. Naiiwan ako. Ang isang hakbang nya, tatlong hakbang ko! Ikaw na ang mahaba ang legs!

"Teka lang Timothy!" tawag ko. "Galit ka ba?"

Hindi nya ako sinagot. Magkasalubong parin ang kilay nya. May sumpong nga sya. Parang bata oh.

"Pansinin mo naman ako!" hindi nya ako pinansin. "Uy! Sandali—ah!" may tumulak sa'kin.

May grupo ng mga babae ang dumagsa kay TOP. Naman naman! Sa lahat ng oras ngayon pa sila dumating. Ganda ng timing.

"KYYAAAAAAAAAAHHH!!!"

"ANG GWAPO MO!!!"

"KAMUKHA MO YUNG LEADER NG LUCKY 13!!"

"KUYA!! PWEDE PA-PICTURE KASAMA KA?!!"

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon