Chapter Twelve

214K 3.1K 441
                                    

Chapter Twelve

"Hi! Pwede bang maki-share ng table?" sabi ng isang hindi pamilyar na babae.

Mukhang bago lang sya sa school na to.

"Go ahead," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

Nakarinig naman ako ng mga bulungan tungkol sa babaeng tumabi sa'kin. Ganon naman palagi. Wala kasing may lakas ng loob na makipag-kaibigan sa akin. Masyado silang naiintimidate sa akin. Dahil don wala akong kaibigan sa school na 'to. Hindi naman ako nagrereklamo dahil may maganda rin itong epekto sa akin. Mas nakakapag-aral ako nang maayos at mas madali kong nakuha ang rank no.1 sa school na 'to.

"Ako nga pala si Michelle Sta Maria, Michie nalang, ikaw si Samantha Perez hindi ba?" nakangiting tanong nya. ^^

"Yes," tipid na sagot ko.

"Alam mo bang sikat ka rito?" kumakain sya habang nagtatanong.

Mukhang bago nga lang sya dito. Kumakain sya habang nagsasalita. Ang kalat ng pinggan nya. Ngayon lang ako nakakilala ng ganitong klase ng babae! Hindi ba nya alam kung ano'ng school ang pinasukan nya?

"At alam mo ba na sinasamba ka ng mga estudyante dito? Nakakatawa! Hahaha! Akala yata nila dyosa ka! Hahaha!" at tumawa sya nang malakas.

"Tapos na ako," kinuha ko ang tray at itinapon ang basura.

Lumabas na ako ng canteen at habang naglalakad sa hallway may ilang estudyante ang bumati sakin.

"Hi Samantha!"

"Samantha ang ganda mo talaga!"

"Tapos ka na ba mag-lunch Samantha?"

Tumango lang ako sa mga bumati sakin. Hindi ako ngumingiti. Hindi ako marunong magpakita ng expression sa mukha. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ilag sila sa akin. Ang mga estudyanteng bumati sa akin, hindi nila ako kilala. Hindi ko rin sila kilala. Walang may kilala sa totoong Samantha.

Ang totoo, gusto kong tumakbo palayo sa lugar na 'to. Gusto kong sumigaw. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawawalan ng kulay ang mundo ko. Para akong nalalaglag sa balon. Walang nakakarinig sa akin.

"Paborito mo bang libro yan?"

Tumingin ako sa nagtanong, nasa tapat ko sya at nakangiting nakatingin sakin. Sya na naman. Sinundan nya ba ako dito sa garden?

"Hindi."

"Kung ganon bakit mo binabasa? Maganda ba?"

Medyo naiinis na ako sa babaeng ito. Bakit nya ba ako kinakausap? Ano bang kailangan nya?

"Dahil kailangan kong basahin ito," nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Ang boring naman. Wala ba talaga kayong ibang alam gawin kung hindi ang mag-aral?"

"Iyon naman talaga dapat ang ginagawa ng mga estudyante hindi ba? Mag-aral."

"Pero kung minsan kasi nakakalimutan nila na mga bata parin tayo. Kailangan matutong mag-saya. Ano nga pala ang hobbies mo?"

"Mag-basa," hindi ko tinignan ang reaction nya pero alam kong inip sya.

"Yun lang? Wala nang iba?" winagayway nya ang dalawang braso nya habang pabalik-balik sa paglalakad.

"Tinuturuan kami ng St. Celestine High kung paano kumilos nang nararapat at dalhin ang mga apelyido namin ng may karangalan. Ano ba sa tingin mo ang school na ito? Hindi ito public na pwedeng mag-lakwatsa at pabayaan ang pag-aaral," iyon na yata ang pinakamahabang nasabi ko sa isang tao.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon