Chapter Three

498K 5.3K 968
                                    

Chapter Three

Matapos ang insidente na 'yon naiwan akong nanggagalaiti sa inis. Pinagbuntunan ko ng galit ang notebook ko. Doon ko isinulat ang mga gusto kong itawag sa lalaking 'yon. Naiinis ako sa kanya pero wala akong magawa. Kailangan kong pigilin ang sarili ko.

Stupid lion!

Stupid jerk!

Stupid prick!

Stupid manhole!

Stupid gangster!

Stupid pretty boy!

Stupid sexy grey-eyed monster!

"So I heard girlfriend ka na pala ng isang sikat na delinquent na nag-aaral sa Pendleton High also known as the school for gangsters. Hahaha! I knew you had it in you, Sam. Mahilig ka talaga sa mga delinquents, oo nga pala kasi magkaparehas kayo. Match made in Hell indeed," sabi ng pamilyar na boses ng isang babae at nasundan ng tawa ng mga kasama nya.

Sa sobrang pagkakayuko ko sa sinusulat ko ni hindi ko naramdaman na may lumapit pala. Nakita ko si Audrey kasama ang kanyang mga followers sa harapan ko. Si Audrey ang masasabi nyong mahigpit kong karibal sa lahat ng bagay. Lahat ng bagay pinagkokompetensyahan namin. Sa academics, sports, beauty, popularity, number of admirers pati na rin sa business ng family namin. Pero hindi niya ako matalo-talo at hindi niya iyon matanggap. ( ̄^ ̄)ゞ

May isang bagay pa nga pala akong hindi naiipaliwanag sa inyo. Dito sa St. Celestine High, ako ang top student. Masasabi nyo na isa akong huwaran na estudyante. Sa school na ito, kilala ako bilang isang mahinhin at hindi makabasag pinggan na babae. Mahalaga kasi para sa school na ito na maturuan kami ng kagandahan asal dahil lugar ito para sa mga anak mayaman. Lahat ng bagay ay itinuturo dito. Mula flower arranging hanggang horseback riding. Mula computer class hanggang theatre arts. Tea ceremony hanggang fencing.

Ang totoo hindi naman ako perpekto pero 'yon ang tingin sa akin ng maraming estudyante rito, almost ninety-five percent. Hindi nila alam na may isang evil monster na nakatira sa loob ko. I live to impress not to express. At pilit na pinalalabas ni Audrey ang monster na 'yon dahil alam niya na masisira ang reputation ko kapag nalaman nila kung sino ba talaga ako sa likod ng camera. Para lang akong artista at ang school na ito ang stage ko.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo Audrey," pa-inosenteng sagot ko pero sa loob ay nagpapanic na ako.

"Alam ko na alam mo ang tinutukoy ko," sabi nya. "Mag-ingat ka sa mga kilos mo simula ngayon Samantha, baka pag-gising mo nasa pinakababa ka na."

Umalis na sya kasunod ang mga kasama nya. Pinanood ko lang sya na lumabas ng canteen. Ang dami na namang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang sila at muling bumalik sa sinusulat ko.

"Kawawa naman si Samantha," narinig kong sabi ng isang estudyante na nakarinig sa usapan namin ni Audey. Heh. ( ̄^ ̄)

***

"PAANO nya nalaman bakla?!" tanong ni Maggie sa'kin habang iwinawasiwas ang kutsara. "Hala lagot ka! Baka ikalat nya ang sikreto mo!"

"Baka naman nag-hire sya ng detective para matyagan ka," sabi ni China at saka muling nilantakan ang ice cream nya. "Stalker mo talaga 'yun."

"Ewan ko. Ano yung sinasabi nyang delinquent?" tanong ko habang tinititigan ang natutunaw kong vanilla ice cream.

Nandito kami ngayon sa Sweety's Sweets House. Isang kilalang dessert shop na nakatayo di kalayuan sa school namin.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon