18. The letter

287K 6.2K 607
                                    

Mahal ko pa rin si Jethro.

Iyon ang naisip ko habang nakatayo ako sa labas ng office namin a nakatitig kay Jethro habang nag-iikot siya sa show room. Hindi na ako naniniwala sa sinasabi ni Hermes sa akin na minarkahan niya ako. Ni hindi ko alam kung anong marka ang sinasabi niya sa akin. I don't think that it is possible for a man to mark a woman. kung posible man iyon - katangahan na lang. I sighed dreamily. Napahawak ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko. There lies my engagement ring - the one Jethro gave to me before our graduation. 

Mahal ko pa rin siya. Kung nagkakaroon man ako ng doubts ay dahil iyon sa gunggong na si Hermes. Nabasa ko noon na kapag oras na makatikim ang babae ay hahanap-hanapin niya talaga ito. Parang bampira sa dugo. Kailangan kong kontrol. Kailangan kong iwasan si Hermes nang hindi masasaktan ang anak ko. Kailangan kong manalo sa larong iyo para maibigay kay Artie ang pamiluang gusto niya. Tama naman ang sinabi ko noon. Wala akong pakialam sa personal niyang buhay. At dapat ganoon din siya sa akin. 

Napangiti ako nang makita kong kumaway sa akin si Jethro. He smiled so I smiled back. He looked cute on that blue polo shirt that he was wearing. He mouthed something na hindi naman malinaw kiaya sumenyas ako na tawagan na lang niya ako. Matapos iyon ay bumalik na ako sa unit namin pero naisip ko munang dumaan kay Hermes. Naalala ko na kaya nga pala ako lumabas ng unit namin ay ibibigay ko ang sulat ni Artie sa kanya. Hindi ko alam kung anong laman ng sulat nila o kung bakit niya sinulatan ang ama niyang demonyo pero natutuwa naman ako dahil masaya si Artie nitong mga nakaraang araw. 

I got to his office and I saw him sitting on his chair looking at a certain photo. Kumatok ako, sumenyas siyang pumasok ako. I smiled at him. Lumakad ako patungo sa kanya. Wala siyang coat. Nakasuot lang siya ng puting t-shirt tapos ay uubo-ubo pa siya. Mukhang hindi pa siya magaling. Halos isang linggo na ang nakaraan mula nang magkatrangkaso siya pero paranv hanggang ngayon ay mabibinat pa siya.

Nakalipat na kami sa bahay na binili niya para kay Artie. Doon na rin siya umuuwi pero hindi kami nagsasama sa iisang kwarto. We co-exist in each others lives. Tama na siguro iyon para sa amin. Ginagawa lang naman namin ito para kay Artie.

"Inuubo-ubo ka pa. Baka dapat di ka na pumasok muna." Wika ko sa kanya. He just smiled at me.

"Kaya ko naman. Ano bang kailangan mo?" Biglaang tanong niya. I took out Artie's letter from my pocket to give it to him.

"Hindi ko alam kung bakit hindi niya iyan maibigay sa'yo kanina. It's from your daughter." A smile formed on his face. Kinuha niya iyon sa akin at saka tiningnan. Gusto kong tanungin kubg anong sinasabi ni Artie sa sulat pero hindi ko na itinuloy kasi moment nila iyong mag-ama. He just sighed.

"I haven't read my letter." Biglaang wika niya. Nakatingin siya sa kung saan. Tumayo siya at saka nagtungo sa glass window. Nasa sixteenth floor kaming dalawa at mula doon at kita ang lahat. He was sighing. "I haven't read mine." He said again.

"Anong sulat?" Tanong ko. He looked at me.

"Before my mo died, she wrote letter for my dad and my siblings. Hindi ko pa nababasa ang sa akin. Ayoko. Reading that letter would mean defeat.  It would mean that she will never come back and I'll miss her more and more each day." He sighed. Bakit kaya sa tuwing maririnig ko ang sinasabi niya tungkol sa mama niya ay nabubura sa isipan ko na masamang nilalalang si Hermes at dapat kaaway ang tingin ko sa kanya? Para kasing mahal na mahal niya ang mama niya - na para bang sa mama niya umiikot ang mundo niya at nang mawala ang mama niya ay wala na siyang mapuntahan. It was kind of amazing how hr transforms --- from a monster that he is to a little boy who seemed to be very much afraid of his loss.

"Bakit hindi mo na lang basahin ang sulat Hermes? Para mawala na ang iniisip mo..." Sabi ko pa sa kanya. He shook his head.

"Ayokong maging mahina." Makahugang sabi niya. "Lahat ng mahina sinasaktan. Mas gusto kong ako ang nananakit kaysa ako ang sinasaktan." Hindi ko na naman mawari ang ugali niya. Kaya ba siya ganito ay dahil sa paniniwalang iyon? Ibig sabihin may mga bagay na nangyari sa nakaraan kaya ganito siya.

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon