Prologue: Gone

458K 7K 491
                                    

“I’ll name her, Artemis Yvangeline.”

 

I was smiling so wide right after I carried my own baby girl. Hindi ko pa alam kung paano ang magiging buhay ko pagkatapos ng araw na ito but I’m damn happy upon seeing my daughter. Hindi ako makapaniwala. I have my own daughter. I looked at Nita – the mother of my child. She’s not my girlfriend – just someone I have fun with. A party girl, a happy – go –luvcky kind of woman whom I met at the bar a year ago and now here we are. Sa dami ng babae ko, si Nita lang ang naging constant sa kanilang lahat. Hindi ko rin maipaliwanag. Maybe it’s because she knows me well – not that well pero nasasakyan niya ang lahat ng gusto ko.

 

She was eyeing me. There was a smile on her face. “What?” I asked her.

 

“Kailan ang kasal natin?” Tanong niya pa sa akin. Tumaas ang kilay ko. How dare she ask me that? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. I had always told Nita that I’m not into marriage. Hindi ko alam kung bakit mahirap intindihin iyon. Wala akong balak magpakasal. Hindi dahil sa hindi ako naniniwala sa pagmamahal or such things. Naniniwala ako. I’ve seen my parents together, my uncles with their wives, my friends – I know love exists – hindi nga lang bagay iyon sa buhay ko.

 

“Hindi kita pakakasalan, Nita. Alam mo iyan.” I smirked. Nagulat ako nang ngumiti siya.

 

“Alam kong magbabago pa ang isip mo. Nandyan naman na si Baby.” I sighed when I realized that something in her changed. It was as if she suddenly started caring. I was just staring. Alam kong may nagbago na, something in her eyes changed. Kung mabuti ba iyon o hindi, hindi ko alam. Ibinalik ko ang atensyon ko sa anak ko na nasa loob ng nursery. She was wearing pink mittens and a pink baby dress. She was so cute. Alam kong magugustuhan siya ng mga magulang ko.

 

“When are you gonna marry her?” Iyon ang tanong ni Mama sa akin noong una niyang hawakan si Artemis. Tuwang-tuwa siya sa apo niya. Isinasayaw niya pa si Yvana habang pinapadede.

 

“Hindi ma. Ayokong magpakasal. Being married is not my calling.”

 

Sa tuwing tatanungin ako ng mga tao sa paligid ko ay iyon ang isinasagot ko. Kasama ko man o hindi si Nita – iyon ang palagi kong sagot. Lumipas ang ilang buwan, lumaki na si Yvana. She was now three months old and very beautiful. I always spent time with her. Isang araw, dinala ko siya sa park. Nita was with me.

 

“Hermes, kalian mo ba ako pakakasalan? Naiinip na ako.”

 

“Sinabi ko nang hindi diba?!  I won’t marry some girl I just met in a bar!” Sigaw ko sabay kuha kay Yvana. We played at the sand park. Hindi ko na pinansin si Nita. Natapos ang araw na iyon. I kissed my daughter goodbye and left her house. Hindi pa ba sapat na ibinigay ko ang buong pangalan ko sa anak namin? Gusto niya pa ngayon ng kasal.

 

Kinabukasan ay bumalik ako sa bahay nila, the door was opened, I got in and when I got inside, wala na akong nakita kundi ang isang sulat na nagsasabing:

 

“Hindi ako lilitaw hangga’t hindi mo ako pakakasalan. Hinding-hindi mo makikita ang anak mo.  –Nita.

 

“Fuck!”

 

 

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon