30. The real thing

271K 7.4K 635
                                    

“Hello, Hermes.”

I was alone inside Nina’s suite. I was still holding on to her hand. Gusto ko ulit maramdaman ang pagpisil niya sa kamay ko. Halos hindi na ako natulog sa kakahintay at sa kakaulit n asana ay pisilin niya muli ang kamay ko.

I called the doctors after that moment. They did some tests on her and they all said that she was fine – that the swelling on her brain have stopped and that she is recovering. Iyon na yata ang pinamagandang balitang natanggap ko. Sa totoo lang ay hindi na ako makapaghintay sa pagmulat ng mga mata niya. Hindi ko nga inaalis ang mga mata ko sa kanya. Natatakot ako na baka kapag lumingon ako o lumayo sa kanya ay hindi ko maabutan ang pagmulat niya. Gusto ko na ako ang una niyang makikita sa oras na mangyari iyon.

“Hermes…” Tawag muli sa akin ng tinig na iyon. Hindi ako lumingon o gumalaw o gumawa ng kahit na ano. I just sighed and spoke.

“Just come in front of me. I don’t want to miss her waking up.” Mariing wika ko. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa at nang mag-angat ako ng ulo ay nakita ko si Henrietta. She was smiling at me. May dala siyang mga bulaklak at prutas. Inilagay niya iyon sa bedside table tapos ay muli siyang tumingin sa akin. Napangiti na lang ako. Kung iisipin ko ngayon kung anong nararamdaman ko kay Henrietta, masasagot ko na iyon, wala na akong nararamdaman. What I have with her is in the past and what I have right now with her is the only thing that mattered. We are friends. At maluwag na maluwag sa loob ko na magkaibigan na lang kami.

“How is your wife?” Tanong niya. Hinaplos niya ang pisingi ni Nina. “Patuloy pa rin ang vigil namin. Kahapon nagpunta si Ares at Bathseeba sa simbahan para magdala ng pagkain. Nagulat nga ako sa pagpunta nila – the other day, Uncle Lukas was there with Hera and her adorable twins.”

“Do you think He can hear the prayers?” Tanong ko sa kanya. Tumango naman si Henrietta. “Sabagay, did you know that Nina squeezed my hand?” Masayang balita ko sa kanya. Napangiti naman si Henrietta. Naupo siya sa isa sa mga visitor’s chair doon at inilabas ang rosary niya. Tumayo siyang muli para iipit iyon sa isa pang kamay ni Nina.

“She’s a fighter.” Wika ko pa.

“Of course she is. Siguro nararamdaman niya iyong baby ninyo sa loob niya at ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hermes, sinabi ko naman sa’yo noon, na hindi ka Niya pababayaan. He gave you the best in life. I’m really happy for you.”

Naupo muli si Henrietta sa visitor’s chair at saka tumitig sa akin. Nakatingin lang ako kay Nina. Nagbabakasakali nab aka dumilat na siya. Hinahaplos-haplos ko ang mukha niya tapos ay panaka-nakang hinahagkan ko ang kanyang kamay. Binubulong ko na sana ay gumising na siya. I love her. I never thought that I’ll be capable of loving this much.

Henrietta asked me to pray with her and we did. Sinabi niya sa akin na sabihin ko sa Panginoon kung ano ang pinakahinihiling ng puso ko habang nakaupo kaming dalawa doon. I closed my eyes and I saw Nina’s smiling face. It was like I could hear her voice calling me. Para bang malapit na malapit lang siya at tinatawag niya ako. I remembered that first moment I saw her as Nina – the mother of my daughter and not Nita – the one who took away Artie from me. I remembered that glow in her eyes when I told her I love her, that happiness and uncertainty when she was walking down the aisle on our wedding day. I remembered the warmth of her hand and the feel of her skin against mine. I remembered our first night together – how it felt, how it ended and the way we started.

I remember everything as if it only happened yesterday and as I remembered it, I was silently praying to God to wake her up because I miss her so damn much.

I felt my tears were falling. I could hear Henrietta’s prayers.

Dear God, Have mercy on Nina’s soul. Guide her back to the life she left – the life she should have. Her loved ones are mourning for her, clear their minds and heal their hearts, Dear God. Protect Nina with your sacred blood, show her the way back, Dear God in Your name, Amen…

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon