10. Mine

302K 6.7K 959
                                    

I woke up in a room that is not familiar. Kung may isang bagay na pamilyar sa akin iyon ay ang mukha ni Artie sa tabi ko. She was sleeping like a little girl that she is. Nakangiti siya habang tulog na tulog. Hinaplos ko ang noo niya. Habang nakatitig ako sa kanya ay napupuno ng what ifs ang isipan ko. What if hindi ko siya inalagaan at namuhay na lang ako sa Silicon Valley at tinupad ang mga pangarap ko? Wala ako dito ngauon. Siguro ay may anak na kami ni Jethro, masaya at may sarili na kaming negosyo. I sighed. Bigla ay naalala ko si Jethro. Jethro Higgins is half american, half pinoy. I met him at the university way back. We dated for two years after two years, he asked for my hand in marriage. Pagkatapos ng graduation, doon sana kami magpapakasal. Simple lang ang naiisip naming kasal noon - we'll go to Vegas and get married in a church there. We just wanted to have a family together - we wanted to build a life with each other - pero nagbago iyon dahil sa isang tawag ni Nita. Hindi na ako nakabalik. I just ended things with him via phone call and I never contacted him again. Ilang gabi ko ring sinasabayan si Artie sa pag-iyak - siya dahil gutom, ako dahil kay Jethro. 

Si Jethro ang nag-iisang lalaking minahal ko at nawala siya sa akin dahil kay Nita. I touched Artie's face. How can I love something this much - hindi man lang nga siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko si Artie. I cried again while staring at her. 

"I love you so, so much, Artie." I said to her. I even kissed her forehead. Naulinigan ko ang pinto na bumukas. Napatayo ako. Naalala ko si Hermes. Baka siya ang pumasok. Baka kunin na niya sa akin ang anak ko. I was gasping out of fear. Pero lumuwag ang paghinga ko nang makita ko ang babaeng tumulong sa akin kagabi. She was wearing a blue sleeveless dress - ngayon ko lang napansin na malaki pala ang umbok ng tyan niya. Marahil ay buntis siya. She was wearing a pair of tanned sandals. Nakalugay ang buhok niya tapos suot pa rin niya ang salamin na iyon. She smiled at me. 

"Good morning, Nina. Check ko lang kung nilalagnat ka pa." 

"Si-sino ka?" I asked her. She made a face.

"Inire ako ng Nanay ko, hindi ako sinuka, ikaw talaga." She even giggled. "Ako si Bathseeba. Gusto mo idemanda natin si Hermes, may kaibigan akong abogado. Magaling iyon!" Buong pagmamalaking wika niya sa akin. I just sighed and sat up. 

"Kapatid ka rin nila?" Umiling siya sa akin. 

"Asawa ko si Ares." She giggled again. Inilagay niya ang thermometer sa kilikili ko at saka tinitigan ako. 

"Abogado ang asawa mo. Hindi iyon papayag na idemanda ang kapatid niya." 

"Abogada ang best friend ko, si Maria Mercedes Yutingco - Samson. Number two sa New York Bars. Number six sa Philippine Bars! Matalino iyon! Papasabugin niya si Hermes!" 

Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa kanya. I find her very funny. Kahit paano ay gumagaan ang loob ko. Para kasing kakaiba siya. Medyo may tama. 

"Alam mo, Nina. Huwag kang matakot kay Hermes. Kapag may time ka, hambalusin mo ng bangko sa mukha ko kaya man ngudngod mo sa makina ng lambo niya nang matahimik! Kung busy ka naman smash mo ang kanyang potoytoy nang hindi na tigasan! Ang problema sa mgakapatid na iyan akala mo regalo sila ng Panginoon sa mga kababaihan! Ke papanget naman!" Para bang gigil na gigil siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. She looked at me again. "Wag mong santohin ang Consunji, Nina. Huwag kang papatalo kay Hermes." Kinindatan niya ako. Para bang nagkakaroon ako ng lakas ng loob habang naririnig kong sinasabi niya iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit but somehow, it changed my thinking. Napangiti ako. Maya-maya ay may pumasok na namang kung sino sa guest room na iyon. Tulog pa rin si Artie. 

"Ma'am, kakausapin daw po kayo ni Sir Lukas." Wika ng maid na pumasok. Napanganga ako. Bakit ako kakausapin? Ayoko - wala akong damit. Parang nabasa ni Bathseeba ang isipan ko. Pinakusapan niya ang maid na kumuha ng damit niya sa silid nilang mag-asawa. Hindi naman nagtagal ay dumating muli ang maid at pinagbihis na niya ako. 

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon