5. Hundred steps

298K 6.3K 244
                                    

Hindi ko alam kung paanong lakad ang gagawin ko habang nakikita ko si Hermes Atlas Consunji na nakasandal sa gilid ng kotse niya habang tila ba inip na inip na naghihintay sa akin. Iniisip ko kung dapat akong magsisi dahil sinubukan kong pumasok ng trabaho sa kompanyang pag-aari niya. Dahil lang naman sa araw na iyon ay nagsimula nang magbago ang lahat sa buhay ko. Naging magulo ang lahat - pilit niyang inaagaw si Artie at pilit siyang pumapasok sa sistema ko. Hindi pa ba siya masaya na araw-araw ay halos na nagkikita na kami dahil punta siya nang punta dito - kailangan sa gabi pupunta pa rin siya? Hindi lang iyon, papasok siya sa silid ko at hahalikan ako?! Malibog ang lalaking ito! Palagi siguro siyang nangangati kaya kung saan - saan siya pumapasok.

Lumabas ako ng gate para lapitan siya. Sinabi ko kay nanay na huwag na munang palabasin si Artie ng kwarto. Doon kasi natulog si Artie sa silid ni Nanay. Iyon kasi ang silid sa bahay na may aircon - samantalang ako nagtiis na lang sa init sa silid naming mag-ina. Iniisip ko kung paanong nakapasok sa bahay namin ang mokong na ito. Ulaga talaga! Hindi matinong mag-isip! Naturingang sundalo pero gumagaw ng kalokohan sa kapwa. Nang makalapit ako sa kanya ay inis na inis na sinuntok ko ang balikat niya. Nanlaki ang mga mata ko. Parang hindi man lang siya natinag.

"Manyak ka?! Sinasabi mo na kaya mong maging ama sa anak ko pero kung ano-anong kalokohan ang ginagawa mo?! Pinagsasamatalahan mo ang kahinaan ko?!" Hinampas ko siya sa dibdib pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. Kanina pa ako napipikon sa kanya. Nasa school pa lang kami ni Artie ay wala na siyang ginawa kundi halayin ako sa paningin. Ang kapal - kapal ng mukha niya. Sa tuwing titingnan niya ako ay para akong hinuhubaran - nag-iinit ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay para akong ice cream na natutunaw sa ilalim ng araw sa ilalim ng mga mata niya at tuwing titingnan ko naman siya ay hindi ko maiwasang isipin na palagi siyang mainit - literal na mainit. Sige, aamin naman ako - napakagwapo ni Hermes. Matangos ang ilong niya, maganda ang mga mata, manipis ang labi, nakakatakot siyang tumingin - iyong tingin pa lang literal na malilibugan ka - oo brutal ako mag-isip pero kahit na gaano man siya ka-gwapo, kung napakasama ng ugali niya bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya.

"Sinagot mo ang bawat halik ko, Nina. Ako pa talaga ang manyak? And do you always sleep like that around my daughter? Hindi nakapagtataka kung bakit alam na ng anak ko ang salitang bold at kung paano gumawa ng baby. You're unfit for a mother. Hindi ka bagay sa anak ko. I wonder what Nita was thinking. Bakit iniwan niya ang anak ko sa'yo?"

"Pagpapasarap lang ang nasa isip ng kapatid ko kaya tinakasan niya ang responsibilidad niya sa anak ko! Mula noong umalis si Nita, binura ko na siya sa buhay ni Artie, Hermes. Kung may hindi bagay maging ina sa anak mo, si Nita iyon. Siguro nga kayo ang gumawa sa kanya, pero ako ang naghirap, ako ang nagmahal, ako ang kinikilala, ako lang at wala nang iba. Huwag mong tangkaing kunin ang anak ko."

"Mali, Nina. AKIN. SA AKIN LANG AT HINDI SA'YO. IKAW ANG WALANG KARAPATAN SA BATA. AKIN SIYA." Nakatiim ang mga bagang niya habang sinasabi ang mga salitang iyon pero hindi ako nakakadama ng takot. Bakit? Para saan? Mahal ko si Artie at alam kong bawat ina sa mundo ipaglalaban ng patayan ang mga anak nila. Hindi pa lang malinaw sa akin kung paano ko lalabanan ang isang Consunji pero kakayanin ko. I heard and read from somewhere that they are very ruthless and cold pero kakayanin ko iyon kung si Artie naman ang kapalit.

"Akin siya."

"Akin siya, Nina. I don't have to mark her because my blood is inside her veins. She is my daughter, her wits, her humor, her face - lahat iyon sa akin galing. Akin siya. I'll do everything just to get her even if that means getting rid of you." Lumakas siya papunta sa akin. Kinakabahan ako pero hindi ako papatalo. "And don't you even dare taking her away. Lahat ng naisip mong gawin para mailayo sa akin ang anak ko, naisip ko na. I'm a hundred steps ahead of you, Nina. Mapapagod ka lang. Consunji ako, wala kang kawala."

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon