11. Baby daddy's competition

308K 7.1K 659
                                    

"Anla! Mama, bakit iniirapan ka noong mama sa may reception?"

Walang pasok si Artie nang araw na iyon kaya isinama ko na muna siya sa trabaho dahil nagsisimula nang mag-empake si Nanay para sa bahay na binili ni Hermes. Wala naman akong magagawa kundi ang lumipat doon pero buo ang plano ko na akitin siya para makita niya ang hinahanap niya. Tama si Bathseeba, hindi ako dapat matakot dahil wala naman akong ginagawang masama. Tiningnan ko si Artie, maaga pa noon at kapapasok ko pa lamang sa building. Hawak ko ang kamay niya. I was wearing a pencil cut skirt and a sleeveless blue blouse. I le my hair fall and I put some color on my lips. Hindi ko alam kung dahil pa ba sa trabaho kaya nag-ayos ako o dahil sa posibilidad na makita ko si Jethro sa office ngayong araw.

Natuwa talaga ako nang muli ko siyang makita pero kasabay noon ay nabwisit ako kay Hermes. Kung tawagin niya akong My Eternity akala niya ay pag-aari niya ako. Iyon naman talaga ang tawag sa akin ni Jethro noong mag-boyfriend pa lamang kami. I smiled.

"Mama!" Tawag ulit ni Artie. "Mama masama iyong irap sa'yo noong mama!" Napatingin na ako sa direksyong tinuturo ni Artie. Nakakunot pa ang noo ko. Muli ay napaawang ang labi ko nang makita kong nakatayo si Jethro sa may receptionist habang nakatingin sa akin. His hair had reach his jaw line - naalala ko noong nasa Silicon Valley kami, mas mahaba pa ang buhok niya pero hindi pangit tingnan. His long hair fits him, he looked manlier now. Napansin ko rin na lumaki ang katawan niya. Noon kasi ay payat lamang siya. He was wearing an off white polo shirt and a pair of denim pants. Mukha siyang model na hinugot sa magazine at pinaglakad sa harapan ko. Bigla ay napansin kong lumalapit siya sa amin ni Artie. Hinatak ni Artie ang skirt ko.

"Mama, takbo na tayo baka hold-up ito!"

"Artie!" Natawa ako sa sinabi niya. Kung minsan, sobrang wild ng imagination ng anak ko.

"Good morning, Nina." He greeted me. His American slang was really thick. Napapakagat-labi ako. "How was your sleep. Did you had any sleep at all- cause I didn't." Tuloy na wika niya. Noon namula ang pisngi ko.

"It was fine, Jet. How's your stay here?"

"Hey, JOE!" Sigaw ni Artie na nagtatalon pa.

"Artemis!' Bawal ko sa kanya.

"Karga mama, dali!" Napailing ako at kinarga ko naman si Artie. Napatingin sa kanya si Jethro. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung paano ko sasagutin ang tanong na alam kong kasunod nang lalabas sa bibig niya.

"Hey..." He smiled at Artie. Artie waved at him. Ginulo niya ang buhok ni Artie.

"Mama, bakit blonde siya? Mama, baka hold -up niya tayo."

"Be, hindi siya holdaper. Bakit mo ba naiisip iyan?" Pinipigilan kong mapahagikgik.

"Is she you mommy?" Tanong ni Jethro na kay Artie nakatingin. Artie wrapped her arms around my neck and hugged me tightly.

"Oo, akin siya! Mama ko siya! Bakit?! Wag mong aagawin ang mama ko! She's mine!" Napanganga ako sa sinasabi ni Artie - I find it cute though pero dapat ay hindi niya sinasabi iyon. Naalala ko iyong mga times na may kausap akong ibang bata o kargang iba - nagagalit siya. Selosa kasi ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit siya ganoon, hindi naman ako selosa, siguro naman niya sa amain niyang napakasama ng ugali.

"Easy girl." Jethro laughed. Binalingan niya ako. "My - I mean, Eternity..." He smiled. "Can we talk after work or during lunch time, whatever time you like - just talk to me cause I really wanna catch up..."

"Sorry, Jet. Maybe next time." Wika ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at saka nagtuloy sa programming division. I sat on my table. Si Artie naman ay iniupo ko sa mesa ko.

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon