16. Artie's heart

270K 6.4K 546
                                    

I realized one thing - I am a wqoman and I need respect. Ano kung si Hermes ang naka-pop ng cherry ko? It doesn't matter. Kung hindi niya ako kayang igalang, the dapat ko siyang iwasan. I am a strong woman. Iyan ang nakalimutan ko dahil sa nangyari sa amin ni Hermes. Naisip ko na hindi nga pala ako pinalaki ng tatay ko nang inaapi. I am a fighter. Hindi ako dapat nagpapakababa sa kanya. I don't deserve to be treated like this. 

Iniyakan ko si Hermes - noong gabing iyon lamang pero pagkatapos noon ay ni hindi ko na inisip ang mga sinabi niya I had move on. Mas lamang pa rin naman si Jethro sa buhay ko - sa puso ko. Dalawang gabi kong iniyakan si Jethro. Ganoon naman kasi ako kapag nasasaktan o umiiyak. Pinalaya ko si Jethro at para hindi masyadiong masakit - sinimulan kong isipin that Jethro belongs to the universe na hindi kami para sa isa't-isa. Na siya ay  kaisa na ng mga planeta sa kalawakan. Iyon na siya para sa akin. 

Samantalang si Hermes - ipinaubaya ko na siya sa demonyo. Doon siya nararapat sa impyerno kasama ng mga demonyong kaugali niya!

"Mama! Gising ka na ba? Punta tayo sa church! Sunday po ngayon!' Bumungad sa akin ang nakangiting si Artie. She was all smiles. She was wearing a pretty pink dress tapos ay nakatali ang buhok niya. She was pouting her lips. Mukhang babae ngayon ang anak ko. 

Bihis na bihis na siya habang ako nakahiga pa sa kama. Linggo nga kasi at gusto ko sanang magpahinga pa. 

"Sa church? Sige." Ngumiti ako at tumayo. Kinuha ko ang tuwalya ko para makaligo na rin. I wanted to go to church. Ipagdaradal ko ang kamunduhang ginawa ko nitong nakaraang linggo. Masyado akong naging makamundo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Hindi ko naman kasi masisisi si Hermes. Ginusto ko rin naman iyon.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako. I wore my blue Sunday dress and a pair of sandals. Inilugay ko rin ang buhok ko. Matapos iyon ay lumabas ako ng silid. Naroon si Artie at nanonood ng Sofia the first. She wa singing along with Sofia. Napangiti tuloy ako. Ang ganda - ganda ng anak ko ngayon. Habang tumatagal ay lalo kong nakikita ang resemblance niya at ng Nanay ni Hermes. Sayang nga at hindi nga niya naabutan ang lola niya. Kung siguro ay mamahalin talaga niya si Artie. Kung si Sir Lukas nga ganoon na lang kay Artie, malamang ang nanay rin nila. 

"Nay, magsisimba lang po kami." Wika ko sa kanya. Nagmano kami ni Artie bago umalis at nagtuloy na sa ibaba para makapara ng sasakyan. We hailed a cab and went straight to the church. Artie seemed really excited. 

"Anak, bakit masaya ka?" Tanong ko sa kanya. She beamed at me. 

"Kasi mama, aayain kitang magpunta sa pinaka magandang babae sa buhay ni Papa Lukas. Dalhan natin siya ng flowers. Sabi kasi ni Papa palagi niyang nidadalan si Mama Apollo kaya lang wala siya ngayon, nasa Scotland siya kasama niya iyong dalawang babies na kambal." Tuloy - tuloy na wika niya. "Sige na mama, baka masad si Mama Apollo. Ayoko siyang ma-sad." 

I smiled. Iniisip ko na baka kay Maam Apollo nagmana si Artie. Napakabuti kasi ng puso ng anak ko. Hindi siya nagmana kay Hermes. Nagmana siya sa mga lolo at lola niya - both have good hearts. I was sure of that. 

Narating namin ang simbahan. Artie and I settled on the third pew inside the church. She was praying - natutuwa ako kapag nakikita kong ipinipikit niya pa ang kanyang mata at pinagdidikit ang mga palad tapos ay bulong nang bulong. I am proud to see her praying like that and the fact that she was praying for me and Hermes' family just proves how good her heart is. 

Nang matapos ang misa ay sinamahan kong mamili si Artie ng bulaklak para sa lola niya. Matapos ay ay sumakay muli kami sa taxi. Naitanong ko sa kanya kung palagi siyang nagpupunta sa puntod ng Lola niya and she answered me with a beaming yes. 

"Tuwing susunduin po ako ni Papa Lukas mama, pupunta kami dito may dala siya laging roses saka letters para kay Mama." 

I smiled. May hinugot si Artie na papel na pang grade two sa bulsa ng dress niya at pinakita sa akin. May drawing iyon ng tatlong tao. Isang babae at lalaki tapos isang bata. Itinuro niya sa akin ang lalaki. 

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon