12. Hindi sigurado

307K 6.4K 790
                                    

"Thank you for tonight, Jet. I couldn't believe that you asked around for my home address." 

Hanggang ngayon ay natatawa ako kapag naaalala ko ang bungad sa akin ni Jethro nang magpunta siya sa akin kaninang hapon. Hindi nga ako makapaniwala na nakatayo siya sa harapan ko habang may hawak na yellow roses at nakangiti na para bang walang panahong lumipas. He asked me out to dinner and I was very reluctant at first dahil ang gusto ko nga sa mga oras na iyon ay alagaan si Artie. I wanted to watch Sofia: The Princess with my daughter but when he arrived, naguluhan ang mundo ko. Nanay seemed to be very excited for me. Siya ang nangumbinsi sa akin na sumama kay Jethro at lumabas. Hindi naman na ako nagdalawang isip. Nagpaalam ako kay Artie at saka umalis. 

"I'll do anything for, my Eter-- I mean for you." He said with that sexy American accent. I just sighed. Kanina ko lang nalaman na wala pa rin siyang asawa. He said that he is very much available and that he was pretty much still in love with his last girlfriend - fiance - as his exact words - that was me. Ako iyon. Alam kong ako iyon. Sinabi niya rin na ako iyon. Hindi ko nga alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Iniisip ko na baka mamaya kapag naniniwala na naman ako kay Jethro ay umasa ako sa mga bagay na alam ko naman nang imposibleng mangyari. Noong tinanggap ko si Artie, tinaggap ko na rin ang possibility na wala nang ma-i-in love sa akin. Sino ang gugustuhin na magmahal ng taong may extra baggage?

"Eternity..." Kinuha niya ang kamay ko at hinagkan iyon. "Thank you for coming with me tonight. I hope there would be a next time." He said. Hinagkan ko siya sa pisngi tapos ay tumalikod na. My heart is beating with so much happiness. Ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng ganitong klaseng kasiyahan. Pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko palabas sa bibig ko. Masaya ako. 

Umakyat na ako para makapasok sa bahay. Tulog na siguro sina Nanay at Artie. Medyo ginabi talaga kami ni Jethro. I missed him and according to him, he missed me also so we got caught up talking with each other. Nakakatuwa. 

Madilim na sa bahay nang makapasok ako. Sigurado ako na tulog na si Nanay at Artie. Pumasok ako sa kwarto ko para muling lumabas dahil sa gulat. Muli ay pumasok ako. My mouth parted a bit when I saw Hermes Consunji lying on my bed with Artie in his arms. Hindi ako makapaniwala. Nangyayari ba talaga ito? Bakit dito siya natulog? Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang dalawa. Regular ang paghinga nila. Hinaplos ko ang mukha ni Artie. Nagkuyos siya ng mata at saka nagmulat. Namilog ang mga mata niya nang makita ako. She stood up, naghikad siya at saka pinagkrus ang kanyang mga braso. 

"Saan ka galing, mama? Uwi ba ito ng matinong babae?" Hihikab-hikab na tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. 

"Nanay mo ako pero tinatanong mo ako niyan?" 

"Hmp! Eh kasi naman, bakit ka sumama sa mamang iyon mama!" Napapadyak pa siya na naging dahilan nang pagbangon ni Hermes. He sat up - he looked a bit disoriented. Nagpalinga-linga pa siya tapos ay dumapo ang tingin niya sa akin. 

"Hey, Nina. I'm very sorry." 

Lalong tumaas ang kilay ko. Kung may makakakita siguro sa akin ay iisipin na airport na ang noo ko. PInatataas ng mag-amang ito ang kilay ko. Hermes shook his head and went back to bed. Hindi naman siya hinayaan ni Artie na makatulog muli. 

"Papa! Gumising ka na diyan!" 

I was a bit suprised hearing Artie call him Papa. Ang akala ko hanggang ngayon ay Hermes pa rin ang tawag niya sa lalaking ito. I sighed. Siguro ay dapat masanay na ako. Iyon naman kasi ang totoo. 

"Papa! Mama may sasabihin sa'yo ang papa kong super gwapo!" Malakas na sigaw ni Artie. Nagtatalon pa siya sa kama. Pinipigilan ko siya pero tumigil lang siya nang tumayo si Hermes. Hinawakan ni Artie ang braso ko. "Mama, may talent si Papa! Naggagalaw iyong abs niya!" 

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon