3. You can't run

333K 6.6K 1.1K
                                    

"Anla! Mama, bakit naman po wala kayong bra?!"

Namula ang mukha ko matapos kong marinig ang boses ni Artie pagkatapos kong maghubad ng blouse. Napaharap pa ako sa kanya. She was gigling. Tumakbo siya sa damitan ko at siya pa ang kumuha ng tshirt at short ko sa damitan naming dalawa. Iniabot niya iyon sa akin. Hindi ko naman alam na papasok na siya sa silid kaya basta na lang ako nag-burlesk sa gitna ng kwarto namin. I felt so tired and used. Maghapon akong nakikipagsagupaan sa mga emosyong ayaw ko namang maramdaman.

"Mama, paano kapag nalaman ng boss mo iyan?" Itinakip niya pa ang mga kamay niya sa kanyang bibig at saka humagikgik. Nagbihis na ako habang nakatingin sa kanya. Nakaupo siya sa gitna ng kama habang naka-indian sit. Her long silky hair was flowing freely down her waist. Nakangiti siya. Napangiti na rin ako. I can't believe how much I love Artie kahit na hindi siya nanggaling sa akin. Minsan nga ay naniniwala na rin ako sa kasinungalingang sinabi ko sa kanya - na ako ang nanay niya, sa akin siya nanggaling at kaming dalawa lang at si Nanay ang pamilya. Ni hindi ko binabanggit sa kanya ang tungkol kay Nita. Ni wala siyang alam na may kapatid ko. Sinabi ko kay nanay na hindi pwedeng banggitin si Nita sa pamamahay na iyon. Ayokong magtanong si Artie tungkol kay Nita. Ayokong malito siya. Paninindigan ko na akin siya at sa akin siya galing. Mahal na mahal ko ang anak ko.

Umupo ako sa tabi niya at ipinalupot ang braso ko sa balikat niya. "Artie, mahal mo ba si mama?"

"Oo naman, mama! Love na love! Kapag malaki na ako mag-aaral akong mabuti tapos magiging business woman ako! Sabi ni Aling Teta sa kanto, magaling daw ako sa math kahit daw walang calculator, marunong akong mag-compute! Pwede daw akong business woman!" Tumayo siya at saka may hinugot na kung ano sa damitan namin. Ipinakita niya ang isang pahina ng magazine. She was smiling. Tinuro niya ang babaeng nakatayo roon. She was wearing a black suit and tie - pero pambabae. Naka-cross ang arms niya and she looked fierced on the picture. Nabasa ko ang pangalan niya sa babae.

Hera Consunji - heiress, fashion icon, filthy rich.

"Mama, siya ang idol ko! Sabi sa tv magaling daw siya na business woman! Gusto kong maging tulad niya!"

Ngumiti lang ako at kinuha ang larawan sa kanya. Consunji - ibig sabihin pa noon ay kamag-anak niya ang Hermes Consunji na nagpapakilalang tatay ni Artie? Umiling ako. Ginawa ko iyon para mawala ang kung anumang iniisip ko.

"Aalagaan kita, Mama." Hinaplos niya ang mukha ko. I wanted to cry. Ipaglalaban ko talaga ng patayan ang anak ko. Niyakap ako ni Artie. Sa ganoong tagpo kami natagpuan ni Nanay. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin.

"Apo, mag-uusap lang kami ng Mama mo. Dito ka muna ha? Wag kang aalis." Wika niya. Hinagkan ko si Artie sa noo at saka umalis. Nakita kong binuksan niya ang TV sa kwarto pagkatapos ay kumaway sa akin. Lumabas na ako ng kwarto. Sumunod ako kay nanay. Nakita kong papunta siya sa sala. Akala ko ay mag-uusap lang kaming dalawa - ng kami lang pero nang makita ko si Hermes Consunji na nakaupo sa isa sa mga sofa sa sala namin ay agad na nag-init ang ulo ko.

Buong araw niya akong ni-terrorize. Ang kapal ng mukha niya! Lalapit sana si Nanay sa kanya nang bigla kong hinatak ang kamay nito.

"Kilala ninyo ba siya?" Mariing tanong ko. Hindi kaagad sumagot si Nanay. Pinakatitigan niya lang ako. "Kilala ninyo ba siya?" Bahagyang tumango si Nanay sa akin. Tumulo ang luha ko. "Si-siya ba?"

"Oo, Nina." Napaiyak akong parang bata. Wala na.Talo na ako. Pero nang maisip kong ako ang kinikilalang ina ni Artie ay lumakas ang loob ko. Hindi siya basta sasama sa lalaking ito. Hindi naman ibig sabihin na siya ang ama - siya ang may karapatan. The last time I checked - hangga't walang pitong taong gulang ang bata ay dapat nasa nanay siya. Sapat na ang panahong iyon para magawan ko ng paraan ang anak ko. Aalis kami. Itatakas ko si Artie. Hindi ko hahayaang makuha siya sa akin ng kung sino lang.

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon