Chapter 39

6.7K 113 4
                                    


Ready

JUSTIN DWIGHT ANDERSON POINT OF VIEW

NAPABALIKWAS ako sa kinatatayuan ko ng lumabas sa office ni Madame si Mr. Julio, ang tatay ni Amethyst.

Tumingin ito sa akin at bahagyang nagulat. Ngunit kalaunan, ngumiti ito at tumango.

"Good Morning, Sir." Bati ko at bahagyang yumuko.

I just can't help it. Si Mr. Julio Seo ang isa sa mga kilalang businessman dito. Magaling magpatakbo ng negosyo at kung makikita mo man sa personal ay hindi mo maiiwasang kabahan.

But based on Amethyst's story, sobrang bait at napakasupportive nito sakanya.

He smiled and greeted me too. "Good morning, Anderson." Aniya.

Napakagat labi ako ng napagtantong pareho sila ni Madame Jade ng tawag sa akin. Anderson. Damn, can't they call me on my second name? Kailangan apelyido pa?

Bumaba ang kanyang tingin sa hawak kong folder. Nagtaas ito ng kilay at bahagyang umayos ng tayo.

"Kanina ka pa rito?" Tanong niya.

I shook my head, guilty. "H-Hindi naman po, sir. Kakarating lang halos." Hilaw akong ngumiti.

He nodded. "Ipapasa mo?" Dagdag niya pang tanong.

This time, I am the one who's nodded. "Ah. Opo. Kailangan niya po ito ngayon. That's why.." Nagkibit ako ng balikat.

He smirked. "Stop calling me 'sir', hijo. Alam ko ang tungkol sainyo ng anak ko.."

Nanlaki ang aking mata. What? He knows? Paano?

"A-Ah," awkward kong nasabi. "How did you know po?" I added.

He laughed. "My daughter confessed. Anyway, It's good to know na nagkabalikan kayong dalawa." Kinindatan niya ako.

I am kinda amazed. So, what my baby said is true. Mabait ang kanyang ama. Kasalungat sa mga nakikita ko.

"From now on, Tito na ang itatawag mo sa akin. Siyempre, mag-iiba rin ito kapag kasal na kayo ng anak ko." Tumawa muli ito.

Wala akong masabi. Ano ba dapat?

"I'm hoping na malapit na ang kasal?" Pabiro niong tanong.

I smirked. "Hinihintay ko na lang po ang anak ninyo, Tito." Tumawa ako dahil iyon naman talaga ang nais kong sabihin.

Ngunit mukhang hindi seryoso si Tito Julio sa sinabi niya at dahil patola ako ay hindi niya nagustuhan ang nakuhang sagot.

Tumaas ang kanyang kilay, hindi agad nakapagsalita ngunit kalaunan ay nakabawi.

"W-Well.." Aniya, nauutal.

"Tito, can I go to your house later? I wanna talk to you.." Paglalakas loob ko.

He cleared his throat before nodded. "S-Sure.. Uh. Is this about–"

"Let's just talk about it later, Tito." Ngumiti ako at itinuro na ang office ni Madame.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now