Chapter 2

15.4K 315 21
                                    

Not good

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Pagpasok namin sa room, agad tumambad sa amin ang mga kaklase naming babae na kanya-kanya nang inaayos ang mga mukha nila. Tsk. Bongga naman nitong mga 'to, nakakapag-ayos sa mukha pero pagdating sa groupwork ang daming excuses?

"Hi! Jack! Free ka ba mamayang lunch?" tanong ni Kevin na bigla bigla na lang sumusulpot sa kung saan. He's one of my suitor. Actually, matagal na siyang nanliligaw sakin. It's almost 8months na ata.

"Hindi eh. We'll be having a family dinner kaya kailangan kong umuwi ng maaga." sabi ko kahit wala naman talaga. Palusot 101 lang.

Kung tutuusin, gwapo naman talaga si Kevin eh. Ewan ko ba, parang may kulang kasi, pero hindi ko alam kung ano ba yung kulang na yun. Parang kuntento na ako sa ganitong status ko sa love life.

"Ah ganun ba? Sige next time nalang." sabi nya sabay balik sa upuan nya. Nginitian ko na lang siya saka pumunta narin sa upuan ko para makapaghanda na.

"Uy." Bumaling ako sa kaibigan kong si Kian. Nakapangalumbaba ito at bored na nakatingin sa akin.

"What?" Taas kilay kong tanong.

"Ang sama mo! You rejected Kevin again." Aniya na habang umiiling.

Nagkibit-balikat ako saka huminga ng malalim.

"What? Eh sa ayaw ko eh. Hindi ako kumportable sa kanya at hindi ako puwedeng magpanggap sa totoong nararamdaman ko. It's unfair and last but not the least, tinatamad ako!" Angal ko.

"Wow beh jowang jowa sa facebook pero pag may nanligaw, aayaw ayaw? tinatamad? Galawan mo eh noh!"

Nagulat ako ng binatukan na naman niya ako. Jusko! Buong akala ko ay si Kian ang namatok, ngunit nang sinamaan ko siya ng tingin ay tinuro niya si Ariane.

"Aray! Ano ba!?" Bulyaw ko kay Ariane. Grrr! Bakit ba ang hilig nitong mga 'tong mamatok? Sapakin ko sila diyan mamaya e!

"Kung ayaw mo sakanya ,sabihin mo! Hindi yung pinapaasa mo yung tao. That's bad, Jack." Seryosong sabi nito sakin. Umismid ako at umirap. "Duh. Can't you see, girl? Ilang beses ko na siyang sinabihan na ayaw ko at wala akong gusto sakanya! Tumigil ba? Hindi diba?!" Inis na sabi ko.

"Jack is right, Ariane. Kaya lang, parang mali pa rin talaga." Tumawa si Kian sa sinabi niya.

Tiningnan ko naman si Ariane na para bang naghahamon. Ano? Sabi sayo eh.

Lumabi si Kian at pinagmasdan si Kevin na nakaupo na ngayon sa puwesto niya. "Wag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo," aniya at huminga ng malalim. "Kung ayaw mong mapaglaruan lang ang puso mo." Dagdag nito.

Hinampas ko si Kian. "Hoy! Sinong kausap mo diyan?"

Tumaas ang balahibo ko nang ngumisi si Kian. "Si Kevin, baka sakaling makaabot sa kanya yung bulong ko."

"Bonak." Umismid ako samantalang natawa naman si Kian.

"Whatever. Let's go nalang, Kian. Samahan mo 'ko sa powder room." sambit ni Ariane.

"Huh?" Bayolenteng reaksyon ni Kian.

"Uulitin ko pa ba?" hirit ni Ariane.

Kitang kita ko kung paano matigilan saglit si Kian. Pinilig niya ang ulo niya bago tumingin sa akin. Huminga ito ng malalim bago nag-iwas ng tingin. "Sige." Pagpapayag ni Kian kay Ariane.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon