Chapter 31

6K 131 14
                                    



Real

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Mabuti na lang ay pagkatapos ng field trip, hindi na muli kami nagkaroon ng alitan ni Miss Karissa. It's better that way, siguro ay masyado na din siyang busy dahil nalalapit na ang graduation.

Halos pagod na pagod ako sa school dahil habulan ng requirements at graduating na. Kaya naman hindi na kami gaanong nakakagala ni Justin 'di tulad dati dahil alam ko, busy din siya.

Ang tanging nagagawa na lang namin ay ang sabay kumain pag lunch. Minsan kaming dalawa lang, madalas kasama ang dalawa kong kaibigan upang hindi pa din halata.

Kaya naman nang tinanong niya ako sa harap nila Miss President habang pinag-uusapan namin ang upcoming events ng school na handog ng Student Council, mabilis akong tumanggi.

"Amethyst, lunch?" Baritonong boses ni Justin.

Tinignan ko siya. Nakita kong hindi na siya abala sa pagtipa sa kanyang laptop habang ang kaibigan na si Julius, seryoso pa din na nakatutok doon. Naglelay out ng invitation.

Umiling ako at ngumiti pabalik. "K-Kayo na lang po muna, S-Sir. May usapan po kasi kami ng nga kaibigan ko na kami kami muna." Rason ko kahit na wala naman talaga.

Tumingin ako kay Karissa na nakatingin ngayon sa amin. Nang nakitang nakatingin ako, inabala niya ang kanyang sarili. Ibinalik ko kay Justin ang paningin at mukha naman nakuha niya ang nais kong iparating.

He smiled and shrugged his shoulder. "Aryt. Miss Karissa, how about you? Lunch?"

Nanlaki ang mata ko. Bakit niya inaaya? Kinalma ko ang sarili ko at inisip na baka kailangan lang upang hindi makahalata.

Nagulat din si Miss Karissa at hindi nakapagsalita agad. Tumingin siya sa akin habang namumula ang pisngi.

Tinapik ni Sir Julius ang balikat ni Justin. "Hoy, Anderson! Ba't ka pa nag-aaya ng iba? Ayaw mo ba akong makasama?" Madramang sambit nito.

Natawa kaming lahat na nandoon. Napatingin ako kay Miss President na ngayon ay nakangisi at agad tumingin sa akin.

Awkward. Iniwas ko ang paningin ko.

"I'm glad that you already know that, Juls." Natatawang biro ni Justin.

Umaktong nasasaktan si Julius pero binangga na lang siya ni Justin. Naputol ang pagtitig ko sakanilang dalawa nang sumingit si Miss Karissa.

Malaki ang ngiti niya, tila nagyayabang.

"Sure, Mr. Anderson. Matagal na rin tayong hindi naglalunch.." sambit niya at bahagya pang sumulyap sa puwesto ko.

Umirap ako. Meh! Ngayon lang ulit kayo mag lalunch niyan dahil ayaw ko, kung ako sayo, lubusin mo na ngayon dahil bukas, ako na ulit ang kasama niyan.

Ngiti at tango lang ang iginawad ni Justin sakanya at muling bumaling sa laptop ni Sir Julius dahil may itinanong sakanya ito.

I don't get it. Kung bakit nandito ako sa exclusive meeting na ito ay hindi ko alam. This meeting is for faculty and student council only. Ang presensya ko rito bilang isang dating pasaway na studyante ay hindi ko alam na kailangan dito.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now