Chapter 27

5.4K 113 6
                                    


Kiss

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

"Treatment for ALL (Acute Lymphocytic Leukemia) typically lasts for atleast 2 years. Even after treatment, you still need a frequent follow-up exams tests." Pagbibigay kaalaman ni Precious.

"Wait, sabi dito sa google oh!" Ariane hissed. "When Leukemia comes back after treatment, it is called a RELAPSE or RECURRENCE."

"Alam ko." Umismid si Precious.

"Oo tangina s'yempre alam mo, med ka eh! bobita!" Pinandilatan siya ni Ariane.

Mahina akong natawa. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako. Hindi nga lang maiwasan isipin ang sinabi ni Precious kanina.

I stayed there for almost an hour. Pagkatapos nang usapan namin nila Precious ay umuwi na ako. Sinundan pa nga ako ni Precious at Ariane pauwi para masiguro na walang mangyayaring masama sa akin.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko si Ashley na nasa sala. Nakasalamin ito at 'tila may inaaral.

"Wait, did you cry?" Puna niya nang makita ako.

Natigilan ako. Humarap ako sakanya at pilit na ngumiti.

"No. Nasobrahan lang yata sa tulog." Sagot ko at mabilis nang tumalikod at umakyat sa kuwarto.

Hindi na rin naman siya nagsalita. Pagkarating sa kuwarto ay hindi muna agad ako kumilos o nagbihis, humilata lang ako sa kama at nag-isip.

Totoo kaya ang idea ni Precious na maaaring bumabalik ang sakit ko? I hope not. Doctor din si Precious kaya hindi ko maiwasang hindi mangamba.

Napatingin ako sa salamin ko sa gilid ng kama. Tumayo ako at pinagmasdan ko doon ang sarili. Ang katawan ko ay pumayat, hindi ako payat na tao pero mapapansin mo na malaki ang pinagbago ng katawan ko. Kahit hindi pa natatanggal ang lipstick ko, pansin ko pa din ang pagiging maputla nito.

I sighed. Maybe Precious is right. Kailangan ko nga talagang magpacheck up.

Nagdesisyon na akong maghilamos upang maihanda na ang gagamitin para sa field trip bukas. Yes. You heard it right, bukas na ang field trip at sabay kami ni Justin na pupunta sa bus ayon sa napagkasunduan.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng gamit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko itong sinagot nang makitang si Justin ang tumatawag.

"Hi.." His voice was husky.

Napapikit ako sa boses niya at napangiti. "Hello.." Sagot ko.

"Are you okay now? Kamusta na ang baby ko?" I can sense that he's smiling right now.

Hindi ko mapigilan ang kilig na naramdaman ko. Tila ba nakalimutan ko ang mga naramdaman at nangyari kanina.

Wala sa sarili akong tumango kahit na alam ko sa sarili ko na hindi naman niya iyon makikta.

"Yep. N-Napagod lang siguro kahapon." Sambit ko.

"Uh-huh. Anyway, you ready for tomorrow? I will pick you up at 5 am." Aniya.

Tiningnan ko ang gamit ko na maayos na. Halos lahat ay nandoon na, iniisip ko nga kung may nakalimutan ba ako na ilagay sa bag ko e.

"Aryt. My things are packed now." Sagot ko.

He smirked. "Good job. Can you tell me what happened to your whole day please.. Wala ako diyan kaya gusto kong malaman." Malambing ang boses niya.

Kinabahan ako. Should I really tell him? No! Hindi puwede. I'm sorry baby, pero hindi ko muna puwedeng sbihin.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now