Chapter 3

14.4K 336 44
                                    

The professor

JUSTIN DWIGHT ANDERSON POINT OF VIEW

I sighed.


Bumangon ako sa kama ko na hingal na hingal at may luha sa mata. Ngumiti ako sa sarili ko. Napanaginipan ko na naman siya. Bakit ba sa tuwing  nararamdaman kong ready na ulit akong magsimula ng panibagong buhay, saka siya lumilitaw sa panaginip ko?

"Where are you, baby?" I whispered.

Ang tagal na kitang hinahap pero bakit parang tinataguan mo 'ko? Hindi kita makita kahit saang sulok kita hanapin. Totoo nga pala talaga na kahit anong hanap mo sa isang tao, kung ayaw magpakita, hinding hindi mo ito makikita.

I sighed heavily.

Nag-unat na muna ako bago tumayo sa kama ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Magulo ang buhok, mapupungay ang mga matang bumungad na itsura ko sa salamin.


"Gwapo ka pa rin kahit bagong gising." Bulong ko sa sarili ko.


Bahagya kong inayos ang gulo-gulo kong buhok saka ngumiti ng pamatay doon. Shet. Ang pogi ko talaga. "See? Konting ayos lang ang gwapo ko na." Puri ko sa sarili ko.


"Pero bakit ganun? Gwapo na nga't lahat, iniwan at hindi man lang ako pinakinggan ng taong mahal ko.'' I pouted. "Awit, lods." Napailing ako. Ampucha, mukha na akong sadboi na kumakalat sa mga memes sa facebook.


Come on, Dwight! Ang tagal na n'on, huwag mong sabihing hanggang ngayon 'di mo pa rin makalimutan?


Alam ko. Kaya ko naman mag move on, pero, hindi ko magawa ng tuluyan kasi umaasa akong magkikita ulit kami.

I feel like she's just there. Malapit sa akin pero hindi nagpapakita. Pinapahirapan lang ako..

Napagdesisyunan kong maligo na habang maaga pa. Para maaga akong makarating sa bago kong university na tuturuan. Can't wait to see my new students, ayoko atang malate.


After some hour, natapos na ako sa sarili. Inaayos ko ang neck tie ko. Nagpasya naman akong bahagyang suklayin ang buhok kong medyo basa pa.


Ibinaba ko na ang hawak kong suklay sa side table ng bed ko. Nang matapos ay saka ko pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin.


Pwede na.


Kukunin ko na sana ang bag ko at aalis na nang may tumawag sa cellphone ko.


Scarlet Calling....

Accept|Decline


Napakunot ang noo ko. Pang-ilang tawag na ba niya 'to?


Oh. Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng 'to at tumawag? Anyway, I accepted the call.


'Hello? Just---'


{ It's Dwight, not Justin. Stop calling me like that, Scarlet.} May halong pagbabanta na sabi ko.


Yes. Only Amethyst can call me in that name. No one, except to her.


'err, whatever. I need you right now. My car kasi eh. may sira ata..'

{And?}

{Uh, I'm here to ask for help-}

{Why are you asking me for that one? Come on, hindi ako mekaniko. Teacher ako.}


After that, I ended the call. That girl! Ang lakas ng loob tumawag sakin para lang sabihin iyon. Ano ba niya ako? Alalay? Katulong? Kapal ng pagmumukha.


Dahil sa kanya kaya nawala sa'kin ang babaeng mahal ko. I will make her pay for that. And for my dear Amethyst, sisiguruhin kong mahahanap ko siya.

The girl who made me belive that there's a magic in terms of love.

Napangisi ako. I still remember the time na hindi talaga ako naniniwala sa mga magic.

But my friends told me.. "You will. When you see her.."

And that was the day that I promise... I am now a believer of magic.

---xxxxx

Nandito na ako sa hallway. Isa-isa kong tinitingnan ang itaas ng pintuan para mahanap ang POPULAR SECTION. Which is, mga model at sikat ang hawak ko.


Chics dude! Naisip ko. Ito na ba yun, Dwight? Makakalimot ka na ba?


Papalapit na ako sa bandang dulo ng room nang may narinig ako ng konting ingay. Mukhang walang professor 'di katulad ng ibang classroom na nadaanan ko. Masyadong tahimik.


Tiningnan ko ang itaas ng pintuan at nakitang 'Popular Section' ang nakalagay.


Wews. Ang tagal kong naghanap d'on, ah. Nasa dulo pala talaga.


Inayos ko ang sarili ko bago tuluyang humarap sa tapat ng pintuan. Nakakabinging tilian naman ang naganap sa room ng makita ako ng ilang mga babaeng estudyante.


Napailing na lang talaga ako.


Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng room ng hindi iniinda ang tilian. Nakangiti ako nang pumasok sa loob. Unlike sa ibang classrooms, mas maganda rito.

Inilibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat, hanggang sa may nahagip ang mata ko, isang babae na sobrang pamilyar ang mukha. Magmula sa hugis nito, sa tamang pagkaaayos ng kilay, at sa mga mata at labi nito.

I memorized it all. Her features and her voice.

I am stunned.


KAMUKHA niya ang babaeng hinahanap ko. Iniwas nya ang tingin nya sakin, ganoon din ako. Nakita ko siya na may sinabi pero hindi ko marinig dahil nasa bandang dulo siya, malapit sa bintana.


Napansin ko rin na kaunti lang sila dito. Mukhang mga pili lang talaga.


Naglakad na ako sa harap, unti-unti na rin nawawala ang tilian at napapalitan ng katahimikan. Hmmm, mukhang marunong makiramdam ang mga new students ko ah?


Tumikhim ako at bahagyang inayos ang sarili. I flashed a smile before finally started to speak.


"Good day, everyone! My name is Justin Dwight Anderson.." I trailed off.


Muli kong sinulyapan ang babaeng napakapamilyar sa akin. Nakatuon pa rin ang paningin niya sa may bintana. Mukhang walang interes sa nangyayari dito sa harapan.

Come on, little girl. Stare at me. I want to know if you're her.

"Your new professor." Sambit ko at muling bumalik ang ingay kanina sa classroom.

Come on, miss. Look at me. Show me those beautiful eyes. I want to make sure. I wanna know.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now