Chapter 14

9.4K 235 43
                                    


Secret

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Natigil ako sa paghinga. Bakit siya nagseselos? We are over at mali ang nararamdaman niya ngayon! Lalo na't baka may makarinig saamin. He's my professor, like what the hell!

"Meet me at the outside. Sabay tayong uuwi sa bahay ni Precious." malamig na utas niya at umalis na sa harap ko.

Tinikom ko ang bibig ko nang pinagmasdan ko na humakbang siya palayo saakin atsaka pumunta saglit kila Precious. Kinausap niya ito saglit at itinuro ako, tumango-tango naman si Prcious at ngumiti ng nakakaloko, ganun din si Ariane.

Nang lumabas na siya sa pintuan ay saka ako humakbang papalapit sa barkada. Sinalubong kaagad ako ng mga tanong.

"Anong nangyari, Jack? Ngayon ko na lang ulot nakita yung ganoong ekspresyon niya. He's on dark face mode." Puna ni Casey.

"Oo nga. Kala mo mananapak ano mang oras si Sir." Agree naman ni Ariane.

"Well, I guess. World war na naman ang Jack at Dwight." Nakangising sambit ni Stacey.

"Woah." Puna ni Harvey.

I rolled my eyes. "Oh you shut up guys! That's not what you think." Depensa ko.

"Sige na..sumunod ka na dun. Mamaya rin naman uuwi na tayo. You better go with him," ngumisi nang nakakaloko si Precious.

I glared at her. Sumipol naman si Ramsey kaya hindi na ako kumibo. Kinuha ko ang purse ko saka naglakad na palayo sakanila. Bumibigat lang ang damdamin ko. May hinala ako kung bakit ganoon ang awrs ng mukha ni Justin pero kinikimkim ko.

Hello? Umamin na nga yung tao na nagseselos. Bakit ipapalangandakan ko pa?

Kung iyon nga ang nararamdaman niya, sana sumagi man lang sa isip niya na ganun rin ako. But I know my boundaries. I know my limits. Kaya kong magpanggap na okay lang dahil alam kong wala akong karapatan. Pero siya? How did he say that? He's jealous?

Ngayon, paano na'to? Saan pupunta ang pagiging magkasama namin sa iisang sasakyan? I'm sure ipipilit nanaman niyang magpaliwanag.

Umilaw ang kanyang sasakyan. Nasa harapan ko na ito at bahagyang umaandar na. Lumabas siya sa kanyang sasakyan at binuksan ang pintuan ng front seat. Nakasalubong ang kilay nito. Halatang hindi maganda ang takbo ng mood.

"What are you waiting for? Hop in!" Masungit na sambit nito.

"D-Diyaan?" Nauutal kong sambit.

Tiningnan niya ang loob ng sasakyan at nakataas kilay padin na bumaling saakin. "Bakit? Saan mo ba gustong sumakay? Kay Dex–" I cut him off.

"Oh please! Walang ginagawang masama yung tao dito! Akala ko doon ako sa back seat!" Napupuno kong sambit.

Lumabi siya at mabilis na ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. "So gagawin mo akong driver mo ganoon? Pero kay Dexter siguro sa harapan ka pa uupo."

Okay. I give up! Umiling ako at nagmamadaling pumasok sa front seat. Mabilis ko rin iyong sinarado. Hindi ako umimik sa loob. Nakatingin lamang ako sa labas hanggang sa naramdaman ko na ang presensya niya sa loob ng sasakyan.

I can say na siya ang pinili ko for tonight over my mind and pride. But that doesn't mean everything's okay between us. He's jealous? Then I am jealous too. Really jealous and insecure, pero hindi dapat. Hindi dapat kasi tapos na kami. Wala na dapat akong nararamdamang ganito at mali ito. He's my professor after all. I wanted to tell him that but I know it will just make things complicated.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon